Malapit na ang MAY 31! HAHAHAHAHAHAHA! Malapit naaaaaaaaaaaa!
Hindi ko pa ieedit ng bonggang bongga. Wag nalang pansinin ang error XDD
Naman! Updated!
Read//Vote//Comment.
---ChoMoi. (:
Chapter 24
Jhit’s Point of view
Halaaaaaaaaaa~~ Halaaaaaaaaaaaaa~~ Lutang na lutang ang utak ko! >///< Ghaaad!
“Iris Jane!”
“Ay kabayo!” tumingin ako sa tumawag sa’kin “B-bakit?” sina Ange, Pam at Diana ang naghihintay sa’kin malapit sa may pinto.
“Explain. Explain” mataray na sabi ni Diana pero alam kong nagbibiro lang siya “Isa pa nga. The best!”
Feeling ko tuloy, lalong namula ang pisngi ko. Umiwas ako sa kanila at umupo sa upuan ko, sa upuan ko na talaga.
“Akala mo makakaiwas ka ha?” sumunod sila sa’kin, tapos nagtitili “KINIKILIG KAMIIIIIIIII!”
Tapos yung ibang classmate ko, nakitsismis na rin, pati yung sumigaw ng ‘Ay, PDA!’ na si Ar-ey. Grabe langs!
“Kayo na ba?”
“Kelan pa?”
“Bakit hindi namin alam?”
“Bakit ka nagsisikreto?”
“Kelan kasal?”
“Abay ako”
Sunud-sunod na tanong ng mga kaklase ko. Hala! Mahina ang kalaban.
“Hindi kami” sabi ko
“Aba! Hindi kayo, pero may kiss… ano ‘to? PB---”
“Ituloy mo yan Ar-ey, puputulan kita ng dila. Tse! Tigil-tigilan niyo ‘ko. Nabigla rin lang ako ngayon” ano nga bang nangyari? “Gaaah! Yan na si Ma’am”
Bumalik na sila sa upuan nila, pero alam kong hindi pa rin tapos ‘tong issue na to. Hala naman kasi, ano bang nakain ni Zeiron? anong nangyari sa lalaking yun? Di ko naman siya ginayuma >///<
Nagdiscuss na si Ma’am ng lesson, ako. Lipad pa rin. Grabe! Totoo ba ‘to?
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple kong kinuha at dahil armchair naman ang gamit namin, madali lang matago.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Ficção Adolescente[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.