Chapter 12: Kelan ba ko mananalo?

8.9K 140 20
                                    

4000+ reads. Thank yow! Labyow! Wushuuuuuuuuu =))

READ. VOTE. COMMENT.

Ang tagal kong mag-update :'( Tamad tamad ko kasi. HAHAHAHA.

Feeling ko habang tinatype ko to, sobrang haba. Oh feeling ko lang talaga? Hihihihi.

--ChoMoi :))

Chapter 12

Jhit’s Point of view

Napost na daw ang result ng exam pero wala akong pakialam kasi ayokong makita >//<. Napakaano naman kasi! Bakit ang bilis nilang nilabas ang result? Baka---baka---gaaah! Ayokong bumagsak. Mapapahiya lang ako kay Zeiron yabang. Tss.

Andito ako sa loob ng room, kasama ko mga kaklase ko, ayaw din kasi nila makita ang result ng exam. Hala naman!

“Jijhiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!”

Gaaaah. Wala na, sanay na rin ako eh.

“Oh? Makasigaw ka naman” – me

Galing sa pinto, tinawag ako ng kaklase ko—sinigawan pala.

“Pa—pa----”

Hingal na hingal siya tapos tumuturo kung saan man.

“Ano?” – me

“Ha—halika!”

Tapos hinigit niya ko palabas ng room, at sinama papunta sa----BULLETIN BOARD! Ang sinumpa kong bulletin board!

“WAAAAAAAAAAAH! Ange! Bitiwan mo kooooooooooo!!” – sabi ko kay Ange na siyang humihigit sakin.

“Dali na!” – Ange

Nakarating naman kami sa harap ng bulletin board pero nakapikit ako, ayoko! Ayoko talaga!

“TOP 1 yung crush mo!” – Ange

Ehhhh?

“Top 1 si Zeiron” – Ange

“Sus. Kelan ba nawala---ano?! Nakakuha siya ng exam?” – me

“Ay, hindi. Hindi talaga” – Ange

“Ay, hindi?” – me

“NAKAKUHA, BRUHA!” – Ange

Aray ko naman. Grabe naman makasigaw to oh.

“Oo na. Ako na slow talaga” – me

“Oo nga. Obvious naman diba?” – Ange

Tapos nakita ko si Pau sa may dulong list. Ehh? Bakit dun siya nakatingin? Dapat sa bandang unahan kasi andun lagi ang name niya.

“Pau!” tawag ko sa kanya, napatingin naman siya agad “Anong ginagawa mo dyan? Dapat dito ka sa unahan”

Lumapit siya sakin tapos inakbayan ako. Aray. Grabe, parang naputol ang buto ko sa balikat >.<

“Anong ginagawa mo dyan?” – Pau

“Pinakita lang sakin ni Ange kung sinong Top 1” – me

“Eh kahit naman hindi ipakita, kilala mo na kung sinong magiging Top 1 diba?” – Pau

“Oo nga. Eh, hindi ko naman alam na nakakuha siya ng exam diba?”

“Ngayon alam mo na. Kaya halika dito.” – Pau

“Saan?” – me

Tapos hinigit niya ko sa huling list. My gosh! Pinikit ko agad ang mata ko.

“Besh. Buksan mo mata mo” – Pau

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon