UPDATE UPDATE DIN! HAHAHAHA. xD
Chapter 37
Mar’s Point of view
(Kapatid ni Iris)
Nasa sala ako ngayon, hinihintay ang pagdating ng kapatid ko. Nagpunta kasi dito ang gwapo niyang boyfriend, mas gwapo nga lang ako, tinatanong kung nakauwi na daw ang girlfriend niya. Ewan ko pero, parang naawa ako sa kalagayan ni Zeiron. Isa lang ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
Sabi ko kay Jhit, magsabi lang sakin kapag may nagpaiyak sa kanya, pero mukhang siya pa ang nagpapaiyak eh. Ayt.
Nakita kong bumukas ang pinto ng bahay namin kasabay ng pagpasok ni Jhit, kung hindi ko kilala tong kapatid ko, iisipin kong wala siyang problema.
“Jhit, mag-usap tayo”
“Bakit kuya?” at ngumiti siya. fvck. Akala niya ba maloloko niya ko?
“San ka nanggaling kagabi? Tumawag ako sa pinagtatrabahuhan mo pero hindi ka daw pumasok,” nawala ang ngiti niya “Tell me, kasama mo ba ang boyfriend mo?”
“Kuya… wala na kong boyfriend” tapos naglakad na siya papunta sa kwarto niya.
“Iniwan mo ang boyfriend mo para sa Chervin na yon?” bigla siyang napatigil at napatingin sakin.
“S-san mo narinig yan kuya?”
“Ako ang unang nagtanong dito Iris Jane, sagutin mo ang tanong ko, iniwan mo ba si Zeiron para kay Chervin?”
“Oo,”
“Iniwan mo si Zeiron kahit siya ang mahal mo?”
“Kuya, h-hindi ko mahal si Zeiron,”
Ngumiti ako. Ngiting tagumpay.
“Kung hindi mo mahal si Zeiron, bakit dinadala mo siya dito sa bahay? Wala pa sa mga naging boyfriend mo ang dinala mo sa bahay. Jhit, mahal mo si Zeiron”
“WALA KANG ALAM KUYA!”
Hindi na ko nabigla sa pagtataas ng boses ng kapatid ko sakin. Inaasahan ko na to eh.
“Wala akong alam? Okay, hindi ko alam na tatlo ang naging boyfriend mo, bago si Zeiron, hindi ko rin alam na wala kayong closure ni Chervin, at hindi ko rin alam ang iskandalong dinulot sayo ni Kenneth… dahil wala akong alam”
“Kuya…”
“Bakit ka nakipaghiwalay kay Zeiron kung iiyak ka rin lang naman ngayon?”
“…”
“Kahit hindi kita palaging nakakausap, alam ko ang mga nangyayari sayo. Kapatid mo ko Jhit, hindi mo dapat sinosolo ang mga problema, kahit nasa trabaho ngayon si Kuya Rey at nakay Tita naman si Papa, pwede mo pa rin silang makausap, kaya nga may cellphone diba?”
“…mahal ko si Zeiron, kuya… mahal ko si Zeiron…”
“Alam ko, pero bakit mo siya hiniwalayan?”
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Ficção Adolescente[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.