Chapter 38: Hindi pwede to...

6.5K 98 14
                                    

Eto na! :D

Basa basa din.

---Cho Moi.

---Oh Moi.

---Lu Moi.

Madammoiselle :D

Chapter 38

Jhit’s Point of view

Kinabukasan late na kong nakarating ng school, bumili pa kasi ako ng sim card. Halos magkasabay lang kami ni Chervin pagpasok, agad naman siyang ngumiti at nilapitan ako, nakita ko rin si Abby. Nakangiti siya.

“Bakit pumasok ka agad? Ayos ka na ba?” tanong ko agad sa kanya.

“Oo, sumakit lang talaga ang paa ko kahapon, pero ayos na ko, so… tara na?”

Naglakad na kami papasok sa building, pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi siguro sanay na makitang magkasama kami ni Chervin.

“Sila na ba?”

“Ano ba yan, crush ko pa mandin si Chervin, may girlfriend na pala”

“Luka, baka marinig ka”

Napangiti na lang ako ng marinig ko yun, walang negative na comment katulad ng “Dati si Zeiron, ngayon si Chervin, malandi talaga” Nakatulong na rin siguro ang hindi namin pagpapaalam sa public na naging kami ni Zeiron.

“Jhit, naririnig mo ba ko?”

“H-ha? Ano nga ulit yun? Pasensya na”

“Wala… wala… hatid na kita sa room mo”

“Ah, nga pala nagpalit na ko ng number, itext mo nalang ako ha?” tapos binigay ko na sa kanya ang number ko.

Pagpasok ko ng room, ibang tingin ang binigay sakin ng mga kaklase ko. Hindi rin nila kasi alam na naging kami ni Zei, simula nung kumalat yung picture namin ni Kenneth, akala nila wala na talagang pag-asa saming dalawa.

“Ano naman yon?” tanong ni Ange.

“Sus, hinatid lang ako”

“Yeah right, kayo na ba… ulit?”

“Shhh! Hindi kami. Magkasama lang kami.”

Mukha namang naniwala na sila, sakto namang dating ng teacher ko, ayt. Buti nalang late din.

*tok*tok*

Hindi ko na pinansin kung sino mang kumatok sa pinto ng room namin, busy kasi ako sa pagle-lecture

“Excuse me, pwede po ba kay Iris Jane?” napatunghay ako. Si Guizelle. Parang kinabahan ako, pero tumayo na rin ako at lumabas, umupo kami sa bleachers, pero wala pa ring nagsasalita.

“Jhit…”

“I’m sorry Guizelle, p-pwede ko bang malaman kung kamusta na si Zei…?”

“Nilalagnat siya, pero pinilit niya pa ring pumasok dahil sabi niya mag-uusap daw kayo ngayon, pwede ko rin bang malaman kung anong nangyari?”

“N-nakipaghiwalay ako sa kanya,”

“…”

“Ayokong dalhin niya rin ang problemang dinadala ko ngayon, dahil para sakin, siya ang pinakamahalaga. Ayoko pang magulo ang buhay niya ng dahil sakin”

“Hindi kita maintindihan” pag-amin niya.

“W-wala, wag mo nalang akong pansinin,”

“Jhit, kaibigan kita, kaibigan ko rin si Zeiron, at hindi ko kayang makita kayong parehas na nasasaktan. Hindi ako tanga para hindi mapansin yon. Ikaw lang ang minahal ng ganito ni Zeiron, Jhit, kailangan ka ni Zei”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon