Bago ang lahat. I-play niyo ulit ang kanta dyan sa gilid-Yan, sa gilid. Tama, dyan nga. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! :D
No One Else Comes Close - JayR.
Pasensya na kung napapangitan kayo sa ending, yan talaga ang gusto kong mangyari, kaya sorry powsz. :D Ito na nga ang ending pero parang hindi rin, ang gulo ko kasing magsulat. XD Intindihin niyo na lang.
May epilogue pa po 'to, baka sa Friday ko maipost.
Maraming may gustong mag-update ako agad-agad para may mabasa kayo, pero syempre gusto rin ni Moi na may mabasang comment. Para fair lang.
Sa epilogue na ko magpapasalamat, babati, and eclavuh chever. So ito na, basa na kayo. Owait! I-play ang nasa gilid --------- >
Kulit lang! >:)) COMMENT! COMMENT! COMMENT! COMMENT!
Sehun's wife - MOISEL OH :3
Chapter 44
“You may now kiss the bride,”
Nakita ko ang saya sa kanilang mga mukha, hindi ko napigilan ang pag-iyak. Tumingin siya sakin at ngumiti, lalong bumigat ang aking dibdib.
“I don’t love you anymore… I’m sorry,” he mumbled
Tumakbo ako palabas, hindi ko alam kung ga’no katagal akong walang tigil na tumatakbo, gusto ko lang makaalis sa lugar na yon, lugar kung saan mawawala na siya ng tuluyan.
“Jhit,”
…
“Jhit… ayos ka lang ba? Jhit.”
Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin, minulat ko ang mga mata ko.
Panaginip lang pala.
“Kuya…”
Niyakap ko siya ng mahigpit, ilang oras na lang…
“Ayos ka lang ba?”
Umiling ako, pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin. Masyadong masakit.
“Sigurado ka bang…” tumango ako, huling araw na ng pag-iyak ko dahil sa kanya “Kumain ka na, nasa baba si Paulene,”
Tumayo ako at dumiretso sa CR, inayos ko muna ang itsura ko. Sobrang mugto ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi.
“Jhit…” ngumiti ako kay Pau, pilit nga lang.
“Pau,” niyakap niya ko “Bakit ang sakit sakit? Dapat diba masaya na ko ngayon? Nahanap niya na ang nagpabago sa buhay niya, nahanap na niya ang tunay niyang mamahalin, ang dahilan para makalimutan niya ko, ako na siyang naging dahilan kung bakit tuluyan na siyang nawala sakin. Wala na ba akong karapatang maging masaya? Alam kong tama ang naging desisyon ko, pero lahat ng nangyayari, mali. Lahat mali!”
Inakay niya ko at pinaupo sa sofa, hindi siya nagsasalita. Kaya tinuloy ko lang, gustong gusto kong malabas lahat ng ‘to. Kahit sa bestfriend ko lang.
“Hindi ko masabi sa kanyang mahal na mahal ko siya dahil ayokong ako ang maging dahilan kung bakit mawawala sa kanya ang babaeng minahal niya ulit. Hindi ko kayang sirain ang relasyon nila, mahal nila ang isa’t isa… hindi ko na gusto pang manggulo pa,”
“Paano mo nasabing mahal nila ang isa’t isa?” tanong ni Pau
“Pau… magpapakasal na sila, ilang oras na lang magiging isa na sila” sagot ko naman
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Teen Fiction[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.