Busy na naman, pasensya na po kung super late ng update. Mahihirapan na rin akong mag-UD dahil pasukan na. WAAAAH.
Eto na, basa na XDD
---ChoMoisel
SE HUN beybe! :*
Chapter 29
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! >////////////////<
Nasisiraan na ba ng bait tong si Zeiron?
“C’mon. I’m waiting” nagmulat na siya ng mata.
“Inaasar mo na ko eh. Umuwi ka na nga” sabi ko.
“Of course not”
Inirapan ko na lang, papasok na sana ako sa loob pero hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa kanya tapos nilapit niya ng sobrang lapit yung mukha niya sa mukha ko, napapikit na lang ako.
At naghintay…
At naghintay…
At naghintay…
At naghint---
“Jhit, bakit ka nakapikit?”
T-teka… si kuya yun! Napadilat agad ako ng mata, nakatingin sila parehas sa’kin. Gaaaaaah! Nakakayamot talaga si Zeiron! nakaakbay lang pala sa’kin.
“At diba sabi ko wag kang papasok sa school ngayon! Pasaway ka talagang bata ka. Gusto mo bang pagalitan ako ni Papa? Naman! Mabuti at tumawag tong si Zeiron, magkasama pala kayo, bakit inabot kayo ng madaling araw?”
Tinawagan ni Zeiron si Kuya?
“Kuya, nag-usap lang kami” sabi ko.
“Bakit ang tagal niyong mag-usap? Kailangan abutin ng madaling araw?”
“Wala kaming ginagawang masama kuya!”
“Wala akong sinasabi Iris Jane, pumasok kayo sa loob”
Tapos naglakad na siya papasok ng bahay. Pambihirang kuya to oh.
Humarap ako kay Zeiron “Ikaw naman, bakit hindi ka nagsasalita?” tapos hinampas ko ang balikat niya
“Bakit ka nakapikit?” tanong niya
Pinandilatan ko siya. bwisit!
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Teen Fiction[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.