Ito na ang update. Sinipag. I know :3
Basa na!
---ChoMoi
Chapter 21
Jhit’s Point of view
Pagkatapos ng nangyari, umuwi na ‘ko sa bahay. Hindi ko alam kung pa’no ako nakarating, bakit nasasaktan din ako ng sobra? Bakit kasi ang t@nga ko eh :’(
“Jhit, ano ka ba namang bata ka? Bakit basang basa ka?” bungad sakin ni Papa. Hindi ko sinagot ang tanong ni Papa dahil niyakap ko agad siya at umiyak sa kanya.
“Papa…” me
“Shh. Anak, bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa’yo? Hmmm?”
Pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak kay Papa, habang si Papa, yakap yakap na din ako walang reklamo kahit basang basa ako.
“HALA! MAY GROUP HUG! GROUP HUG TAYO!”
Narinig kong sabi ni Kuya, tapos biglang bumigat sa likod ko, hay, buti nalang andito ang pamilya ko :’(
Pagkatapos ng mahaba habang dramahan, pinaakyat na ko ni Papa sa kwarto para makapagpalit, hindi na nila masyadong inusisa kung anong nangyari.
Inayos ko na ang sarili ko, naligo at nahiga sa kama habang hawak hawak ko ang cellphone ko.
Tawagan ko kaya siya? Kakausapin kaya niya ko? Tsk.
*ring*ring*ring*
Pero walang sumasagot. Malaki nga ang galit niya sa’kin, pero bakit naman?
Naalala ko ang nangyari kanina…
He kissed me. May dahilan ba yun?
Zeiron naman kasi! :’(
*ring*ring*ring*
Gusto kong malaman, kung ano mang dahilan nun… kung hindi nalang sana ako pumunta kay Kenneth… edi sana malalaman ko pa kung anong sasabihin niya…
May sakit kaya siya? Umattend ba siya ng klase niya? Nakauwi na kaya siya?
*ring*ring*ring*
Kung bakit kasi napakawalang kwenta ko?!
Binato ko ang cellphone ko sa may paanan ko, gustong-gusto ko malaman ang lahat… kahit ano pa man yon, basta galing sa kanya, pakikinggan ko. Malaki na rin kasi ang epekto niya sa’kin, napapansin kong nawawala na ang loob ko kay Kenneth dahil sa kanya, masaya syang kausap kahit lagi niya kong binabara, parang dahil sa kanya kaya nagsisipag na rin ako mag-aral. :’(
**Do you know what it feels like?
Loving someone that’s in a rush to throw you away
Do you know what if feels like---**
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko, sumalampak sa sahig at sinagot ang tawag.
“Hello?”
“MOMMY JHIT!”
Sina Than at Dean pala.
“Hi, kamusta kayo?”
“Mommy! Mommy!”
“Shut up Than! I’m first!”
“And I’m second. Now you shut up. Mommy Iris! I’m fine! I’m cool!” Than
“Mabuti naman” me
“Wait! Mommy, are you crying?!” Dean
“Mommy, you sound so tired” Ivan
“Medyo lang”
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Novela Juvenil[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.