ROLL LIKE A BUFFALO, DUDE! XD
Read. Vote. Comment.
SUPER FAST FORWARD! :)
----Moisel.
Chapter 35
Jhit’s Point of view
“Ano, bakit hindi mo pa nagagawa? Sinasabi ko na nga ba”
Napatingin ako sa harapan ko. Imbes na tulungan akong mag-isip lalo pa kong ginugulo.
“Alam mo Cassandra, maghanap ka nalang ng ibang kausap, okay? Ginugulo mo utak ko. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh. Dalawang buwan na!”
Dalawang buwan na ang lumipas simula nung nagcamping, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang iwan si Zeiron. Hindi ko kayang masaktan ang taong mahal ko.
“Oo nga eh, dalawang buwan na nga pero lalo mo pang pinalalala ang lahat, ay nakupo Loyola, wag mo nalang ituloy. Hayaan mo na si Chervin dun, kay Zeiron ka nalang forever”
“…kung pwede lang, Pau, kung pwede lang”
“Pwede naman eh. Ikaw lang ang nagpapakat@ng@.”
“OO NA! BUMALIK KA NA NGA SA ROOM MO! INAAWAY MO LANG AKO EH!”
Tinawanan niya muna ako bago iwan sa rooftop. Talaga naman, bakit ko ba naging bestfriend ang isang yan? Ayt.
Wala kaming teacher ngayon dahil may meeting daw ang English Department kaya lumabas muna ako ng room, dinala ako ng paa ko sa rooftop. Hindi ko talaga kayang gawin ‘to. Umabot na kami ng 2 months pero wala pa ring nangyayari… lalo lang akong napapamahal sa kanya. t@ng@ nga ako.
Naglakad na rin ako sa pathway, nakasalubong ko pa sina Abby at Kenneth. Ngumiti lang si Kenneth sa’kin na hindi ko naman masuklian ng isang ngiti dahil kasama niya si Abby, naging maayos na rin siguro ang relasyon nila kasi palagi ko na silang nakikitang magkasama.
“Jhit!” napatalon ako ng biglang may humawak sa balikat ko.
Wag sana siya, please, wag sana si Chervin.
“Jhit,”
Unti unti akong humarap sa kanya, nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong hindi si Chervin yun, kundi si Ren.
“Oh Ren?” ngumiti siya bigla “Bakit?”
“Kamusta na?”
“Ayos lang naman,” umupo kami sa may bench “May kailangan ka ba?”
“Wala naman, nakita lang kita” tumingin siya sa mga nagp-PE sa ground, marami rami din kasing estudyante eh “Mukhang masaya ka ngayon ah”
“Bakit naman?” tumingin nalang ako sa sapatos ko para hindi niya mapansin ang pagbabago ko Kung alam mo lang Ren, kung alam mo lang na nahihirapan na ko ngayon.
“Wala naman, may nababalita kasi akong may boyfriend ka na raw? Hindi naman totoo yun diba?”
Tumingin ako ng diretso sa kanya.
“Totoo yun,” nagitla siya sa sinabi ko, parang malungkot ang mga mata niya pero pinilit niyang ngumiti para sakin.
“S-sino ba? K-kaya pala masaya ka ngayon eh” binalik niya ang tingin niya sa mga naglalaro.
“Si…” hindi niya pwedeng malaman, ayokong ikasira to ni Zeiron. Katulad lang ako ng iba, iiwan ang taong mahal nila para sa taong kinakailangan sila. Ayokong pagdating ng araw, pagtawanan nila si Zeiron dahil iniwan siya ng girlfriend niya, kaya mas mabuting isikreto nalang “Si…ayyyy!”
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Jugendliteratur[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.