Chapter 31: Again :/

7.1K 96 9
                                    

AYAN! Masaya ako ngayon! Dumating na yung KYUHYUN BIASED kong bag, dahil dyan. Maga-update ulit ako bukas! HAHAHA. Babawi talaga ako bukas, medyo pagod pa ko ngayon, kakauwi ko lang galing school eh XDD. So ito na, basahin niyo na!


May mga nakauna nang magbasa nitong UD, mga members ng group ko sa FB, dahil nagloko si wattpad ng time na maga-update SANA ako, sa group ko nalang pi-nost. HAHAHA! Pag tinamad na naman ako, sa group ko muna ulit ipopost bago dito XDD.


Siya, siya, basa na! Bukas ulit ang kasunod =))

Next up, JACKET naman, HUNHAN BIASED <3


----Moi =)





Chapter 31

 

 

**

 

“Class! Bus 8 kayo bukas”

Sabay sabay na napatingin ang Section 7 sa kanilang adviser.

“Ma’am! Anong section po ang kasama namin?”
“Section E”

Lahat nagreact sa narinig nila.

“MA’AM! WALANG POGI DON!”

Maraming tumawa, pero hindi si Iris. Matamlay at parang wala sa sarili. Napansin naman agad ito ni Ange.

“Ganda! Anong nangyari sayo?”

“H-ha? Wala. Iniiisip ko lang ang camping natin bukas”

Wala siyang ibang inisip kundi si Chervin.

“Muntik nang mamatay ang kapatid ko dahil sayo! Kung hindi mo siya iniwan, sana hindi na siya umalis ng Pilipinas! Wala kang kasing sama Iris Jane!”

Agad siyang umiling para mawala sa isip niya ang sinabi ni Abby. Sanay na siya sa komprontasyon pero hindi sa ganitong pagkakataon.

“Halfday lang kayo ngayon, pwede na kayong umuwi. Ihanda niyo na ang gamit niyo”

Kanya kanyang ayos ng gamit ang ginawa ng magkakaklase. Handa nang lumabas ang lahat pero si Iris, nagpaiwan lang sa mga kaibigan niya.

Sa sobrang pag-iisip, hindi na niya napansin ang pagpasok ni Zeiron. Umupo ito malapit sa pwesto niya. Pero tulala pa rin si Iris.

Hindi niya gustong makita na ganito ang mahal niya. Alam niya ang dahilan kung bakit ganito si Iris, kung kaya niya, gagawin niya ang lahat para mawala na ang problema ng nobya.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon