Prologue

89 4 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



***



Love.



Everyone is haunted by the idea of love.
Halos lahat naman kasi siguro naranasan ng magmahal. At kapag nagmahal ka, hindi mo maiiwasan na masaktan.



Pain is something that reminds us that we are alive. Kaya kadalasan ay nagiging katanggap-tanggap na lang ang paulit-ulit na masaktan.



Pero paano naman 'yong mga taong takot?
Paano 'yong mga taong pagod ng makipaglaban?
Paano' yong mga taong gusto ng magpahinga, pero hindi nila magawa kasi natatakot silang mang-iwan?
Ayaw nilang may masaktan, kaya mas pinipili nalang nila na akuin ang lahat ng sakit. Lulunukin, kahit sobrang pait. Tatanggapin ang sakit, kahit na paulit-ulit.



That's why most of the time, we lose ourselves in the process of saving other people from misery.



Pero hanggan kailan mo kayang tiisin?



"Okay lang yan. He will be here anytime soon." I whispered.



Nandito nanaman ako sa tagpuan namin. Ang sabi niya kasi, dito ako maghintay. Pero halos dalawang oras na ako dito sa café. Ilang beses narin akong nagtext kung malapit na ba siya pero hanggang ngayon, hindi parin siya nagrereply.



Baka naipit lang sa traffic.



He will be here. He promised me he will be.



Paulit-ulit ko yang sinabi sa sarili ko.



Pero... pang-limang beses na 'to.



Nagpagdesisyonan kong umuwi nalang ng mag ala-sais na ng gabi. Ngumiti ako ng mapait at nagsimulang maglakad palabas ng café.



Baka nakalimutan lang niya. Busy kasi siguro yun sa mga projects and meetings na kailangan niyang tapusin.



Palubog na ang araw pero mas pinili kong maglakad nalang pauwi gayong malapit lang naman ang condo namin mula sa café.



Pagdating ko sa building agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang floor ng condo. Sumalubong sa'kin ang tahimik na paligid. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit napagtanto kong hindi ito naka-lock. Bumungad sa'kin ang madilim na sala at ang mga nagkalat na damit.



"Nakauwi na pala siya, hindi niya man lang ako sinipot sa date namin." Sabi ko sa aking sarili habang papasok sa kusina para kunin 'yong ginawa kong cake.



Napangiti ako ng makita kong muli ang strawberry cake na niluto ko kanina. Tinusok ko ang tatlong kandila sa ibabaw na parte, katabi nung mga katagang nagsasabing, 'Happy 1st Anniversary, Mahal'.



Habang paakyat ako sa hagdanan, hindi ko mapigilang maisip ang magiging reaksiyon niya. Pero ngayon, tingnan mo nga naman, magcecelebrate na kami ng 1st anniversary natin.



I sighed and picked up the clothes in the floor para itabi sana nang hindi ako matalisod sa paglalakad. Ngunit agad na kumunot ang aking noo ng mapagtantong hindi ito mga damit ni Felix. Agad gumapang ang kaba sa aking sistema.



Bukas ang pintuan sa loob ng kwarto namin kaya agad akong pumasok at kinapa ang kinaroroonan ng switch.



Ngunit kasabay ng pagbukas ko sa ilaw, kasabay nito ang pagsilay ko sa hubad na katawan ng aking minamahal. Nakapatong siya sa isang babaeng hindi pamilyar sa akin. He looked at me and was dumbfounded for a moment. This isn't the first time he cheated on me, pero bakit sobrang sakit parin.



Hindi ko sinasadyang mabitawan ang cake. Nanigas ako sa tabi ng pinto at hindi alam ang gagawin.



"Felix... bakit?"



Nakatingin pa din si Felix sa kinaroroon ko at namutla. Lalapitan niya sana ako pero agad akong umatras at tumakbo palabas ng unit. Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko habang pinipindot ang ground floor ng building. Napuno ang aking isip ng mga katanungan.



Bakit?

Hindi pa ba sapat?

Bakit paulit-ulit nalang?

Bakit ngayon pa?



Nakalayo ako sa'yo... sa inyo. Lumabas ako ng building at aambang tatawid sa kabilang kalsada para pumara ng jeep.



My eyes were blurry dahil sa luhang walang tigil sa pag-agos, agad kong pinahid ito bago tumawid ngunit hindi ko namalayan ang isang bagay na paparating. May mga sigaw akong narinig sa paligid pero hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Namutla ako ng mapagtantong isang humaharorot na truck ang papunta mismo sa kinatatayuan ko. Isang malakas na busina ang ginawa nito ngunit huli na para makaiwas ako.



Nawalan ako ng malay. Pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, nakita kita.



Tumatakbo.



Habang...



umiiyak.

_________________________________________

QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon