3

32 2 4
                                    

Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Aly. Umupo ako sa aking kama at bumangon para maglakad-lakad.



The hallway was silent. Walang gaanong tao maliban sa mga nurse na nag ch-check ng kondisyon ng mga pasyente sa kanya-kanyang kwarto.



Nagpatuloy ako sa paglalakad at dinala ako ng aking mga paa sa kwarto ni Caleb. Wala na ang mga guards kanina kaya dahan-dahan akong pumasok upang silipin ang loob. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong tama ang hinala kong wala na ngang tao maliban sa nagpapahingang si Caleb.



Napansin ko ang isang vase na puno ng mga fresh na bulaklak at mga prutas sa may coffee table. Mayroon ding mga tubig at gamot sa tabi ng kanyang kama. The room feels lively and wider dahil sa pagkawala ng mga machine na nakakabit sa katawan ni Caleb. Ilang bandages nalang rin ang natitirang nakabalot sa kanyang katawan.



Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya na payapang nagpapahinga. Bumontong hininga ako at hinawi ang ilang takas na buhok na tumatakip sa kanyang noo.



He’s really good looking. From his well-trimmed jet black hair, his strong jaw, his almost perfect nose and his red lips, everything about him was surreal. I didn’t notice his features the first time we met, pero ngayong nasa harapan ko na siya at malaya kong nakikita lahat ng detalye sa kanyang mukha, I can’t believe how much time God spent to create this beautiful creature.



“Why did you save me?” bulong ko habang nakatitig pa rin sa kanyang maamong mukha.



Hinawakan ko ang kanyang kamay at yumuko.



“Your actions may be just pure kindness, but thank you for giving me another chance in this lifetime.”



Isang luha ang kumawala mula sa aking mata kaya agad ko itong pinahid at naglakad palabas ng kwarto niya. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at bumalik sa aking kwarto upang magpahinga.



Kinabukasan, naging abala si Aly sa opisina kaya buong araw siyang wala.  I spent my free time reading the books she bought for me last week. Nang gumabi na, tinawagan ko siya na ‘wag ng mag-abala na bumisita dahil maayos narin naman ang pakiramdam ko.



She didn’t believe me of course. Knowing Aly, she will do everything for the people close to her heart. Kaya sinabihan niya ang kanilang driver na maghatid ng pagkain at damit sa’kin.


“Thank you po, kuya Arman. Pakisabi po kay Aly na salamat. Mag-ingat po kaya pauwi.”



I smiled genuinely to him before checking the food and clothes Aly gave me.


“Walang anuman ma’am Bea. Magpagaling po kayo at ng makabisita po ulit kayo sa mansyon.” He said while smiling back at me.


“Makakabalik napo ako sa susunod na lingo kaya baka makabisita ako kuya.”


“Sige ma’am Bea, mauna napo ako.” He waved at me before closing the door.



I went to the side table to prepare the food Aly gave me. I ate peacefully and clean the table after eating then went to the trash can to throw the food wrappers.



I decided to clean myself with the help of wet wipes since I’m still not allowed to take a bath dahil sa mga sugat ko sa binti na hanggang ngayon ay hindi parin tuloyang naghihilom. I wear the new hospital clothes provided by the nurse earlier.



Nakatunganga ako habang nagbibihis. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag-uusap ni Felix. Narinig ko kay Aly na may problema sa kompanya nila, hindi nga lang niya sinabi kung ano.


QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon