"Sinong kumausap sa'yo at anong sinabi nito?" tanong agad ni Aly nang makabalik ako.
"S-Si Aaron lang, Aly. May tinanong lang siya tsaka binigay ko na din sa kanya ang credit card na bigay Caleb." I lied, nandito pa rin sa'kin ang black credit card. At bilin sa'kin ng ama ni Caleb na wala akong dapat pagsabihan sa mga pinag-usapan namin.
He promised that he will not harm anyone in my family and friends as long as I do what he said.
"Ow. 'Yung kaibigan ni Cyrus? Magkaibigan na pala kayo?"
"Oo, siya 'yung kasama namin sa Pangasinan. Magkaibigan sila ni Caleb."
"Akala ko pa naman kung sino. Gaano ba ka yaman 'yang si Aaron? Andami naman yata niyang mga body guard." tumawa siya ng mahina bago pinaandar ang sasakyan.
"Hindi ko alam, pero mayaman din tulad mo." wala sa sarili kong sabi.
"He's Cyrus' friend after all. Marami talagang mayayaman na kaibagan 'yun."
Hindi na ako sumagot sa mga sinasabi ni Aly. Nakatunganga lang ako sa labas ng bintana. I knew she kept glancing at me throughout the whole ride. Wala siyang sinasabi pero napapabuntong hininga siya. I knew she knew something's wrong that I am not telling her. Kilala na ako ni Aly, ang buong ako, kaya hindi ko alam kung kailan ko kayang itago sa kanya ang lahat.
Agad akong lumabas ng sasakyan niya at kinuha ang mga pinamili ko kanina. She keeps glancing at me hanggang sa makapasok kami sa unit niya. Inilapag ko ang mga pinamili sa kwarto ko at nagtungo sa kusina. I got myself a glass of cold water from the fridge and drank half of it.
"Bea, kilala kita, kaya alam kong may problema kang hindi sinasabi sa'kin." napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses ni Aly mula sa likod ko. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya ng nakangiti.
"Wala naman, Aly. Iniisip ko lang si Caleb." I said, not wiping the smile on my face.
Tumunog ang phone ko kaya inabot ko ito. It was Felix who's calling. Ipinakita ko kay Aly ang screen bago ito sinagot. I put it in a loudspeaker for Aly to hear what he was about to say. Ang una naming narinig ay kaluskos, maya-maya pa ay nasundan ito ng mahinang hikbi.
"Felix, are you okay? May nangyari ba?"
"B-Bea, s-si mommy.. s-si mommy.. w-wala na siya. I-Iniwan niya na k-kami, tangina." he said in between his sobs.
Wala kaming sinayang na minuto ni Aly at dali-daling bumaba ng unit upang magtungo sa sasakyan.
"He texted me the hospital. Dumiretso nalang daw tayo. Hihintayin niya tayo sa lobby." I showed her the location and she drive really fast. Buti nalang at nakalusot agad kami sa traffic.
When we arrived at the hospital, agad kong hinanap si Felix sa lobby. Nakita ko siyang natayo sa gilid, nakapamulsa at mugto ang mata. Parang kinurot ang puso ko sa sobrang lungkot ng mukha niya. Agad umaliwalas ang kanyang mukha ng makita ako. Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. He rested his head on my shoulder and cried silently. Nagpaalam si Aly sa'kin na pupuntahan ang mga kapatid ni Felix sa taas. I nodded and waved before I saw her leave.
"T-Thank you f-for coming, b-baby." tumango ako mas mahigpit siyang niyakap. The hug lasted long enough, until he decided to let go. Pinahid niya ang kanyang mga luha at malungkot na ngumiti.
"I'm sorry hindi na ako nakabisita." yumuko ako bago nagpatuloy. "I had so many things in mind. Pasensya ka na."
"It’s okay." he smiled and held my hands. "Ang importante nandito ka ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/121094988-288-k757906.jpg)