2

44 2 0
                                    

Aly went out of the room after telling me the guy's name. Humiga ako ng maayos at tumitig sa puting kisame ng ospital. As I was about to sleep, my phone rang in the side table. Kinapa ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.



It was Felix.



I ended the call and check my notifications.

27 new messages

38 missed calls

I sighed. Lahat ng 'yon ay galing sa kanya. He was asking if I was okay.



Well, I'm not okay, dumbass!



Wala sa plano ko ngayon ang kausapin siya dahil baka maisumbat ko lang sa kanya lahat ng kagagohan na ginawa niya sa' kin sa loob ng isang taon.



Ayoko pang makita siya ngayon dahil baka matunaw na naman lahat ng galit ko sa kanya. Alam niya kung gaano ko siya kamahal kaya kampante siyang gagohin ako anumang oras gustohin niya.



Why do people choose the wrong people to love? Why do we have to fall for someone who can't reciprocate our love?



Felix is very confident that one sorry is enough para bumalik ako sa kanya. Alam niya na kahinaan ko siya kaya paulit-ulit niya lang akong ginagawang tanga. I should've known. I should've stopped myself from falling hard for him.



“Felix, bakit ganon? Bakit ang sakit?” bulong ko sa 'king sarili at pinahid ang aking mga luha.



Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuloyang pumikit at makatulog.



After a few weeks, I was finally able to move my injured leg. Hindi na ito gaanong masakit tulad ng dati kaya malaya na akong nakakapaglakad. However, Aly was still there to help me move. Kahit alam kong kaya ko na, tinutulongan niya pa rin ako.



Ang sabi ng doktor maari na akong makalabas sa susunod na linggo kaya sasamantalahin ko na ang panahon ko dito sa ospital.



“Aly, after we eat breakfast, pwede bang samahan mo 'kong bumisita sa room niya?” I asked. Tinitigan niya muna ako bago marahang tumango.



For the past weeks, hindi ako nakakatulog ng matino kakaisip kay Felix at sa lalaking sumagip sa' kin—si Caleb. Ilang beses ko na rin tinanong si Aly kung pwede na ba akong bumisita sa kanya pero hindi siya pumapayag dahil gusto niyang magpagaling muna ako ng tuloyan.



Kaya ngayong pumayag siyang bisitahin si Caleb ay nakaramdan ako ng pinaghalong pagkasabik at kaba sa anumang pwedeng mangyari. I didn't know this guy at hindi ko alam kung bakit itinaya niya ang kanyang buhay para sagipin ako.



Inalalayan ako ni Aly na maglakad patungo sa kwarto niya. Hindi ako nahirapan na puntahan siya dahil ilang kwarto lang ang pagitan ng kwarto ko sa kanya. Nang makapasok kami, isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa amin.



Nilibot ko ang aking mata sa kwarto niya at napagtantong higit na mas malaki ito kumpara sa kwarto na tinutuloyan ko. There were fresh flowers on his side table, a white sofa, coffee table, comfort room, and a flat screen television inside the room. It was a lot wider than normal hospital rooms. Kung hindi mo iisiping nasa hospital ka, mapagkakamalan mo itong isa hotel room.



Isang mabigat na buntong-hininga ang aking binitawan bago naglakad patungo sa kama ni Caleb. Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina sa pagitan naming dalawa at agad nangilid ang luha ko habang tinitingnan ang sitwasyon niya.



QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon