"Ano bang nangyayari, 'nak? Bakit gagawin 'yun ng pamilya niya sa pamilya natin? Kung importante ka sa kanya bakit niya hahayaan na masaktan ang pamilya mo?" naguguluhang tanong ni mama habang wala sa sariling hinahagod ang kamay niya.
Kakaalis lang ng mga pulisya. Hindi na sila nagtanong pa nang sabihin kong pag-iisipan muna namin ang maaring kaugnayan ng mga suspek sa pamilya ni Caleb. Kanina pa ako mariing nakapikit at malalim ang iniisip.
"His father doesn't like me for his son. His father is a manipulative bastard who wants everything in control. We had a deal that he won't do something bad towards my family as long as I stay away from his son. Sumunod ako, Alysia! Sumunod ako sa gusto niya! Pero tangina.." marahas kong pinahid ang mga luha sa aking mata at agad tinawagan ang ama ni Caleb.
Nakatingin lamang sa'kin ang pamilya ko, sila Aly at si Felix. Bakas sa mukha nila ang gulat at galit sa mga nalaman nila. Ilang ring lang ang nagdaan bago ko narinig ang tawa ng isang matanda sa kabilang linya.
"What the fuck did you do?! Nangako kang hindi mo sasaktan ang pamilya ko! Sumunod ako sa gusto mong mangyari, pero bakit pinatay mo pa ang ama at kapatid ko?! Dalawang inosenteng buhay para sa ano?!" galit na galit kong sigaw.
Anyone can hurt me but they should never messed up with my family.
Humalakhak siya, "Oh, dear. You are indeed very brave. However, you've made a mistake. I don't know what you did with my son to keep him coming back for you. Malinaw ang usapan natin, pero mukhang ikaw yata ang di tumupad rito." Agad akong nalito sa mga sinabi at napaisip ng malalim.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Poor child, I thought you're smart? My son sneaked out in the middle of the night to see you. He was supposed to travel in London last Friday but he didn't hop on his flight. Instead, he used his influence to join the same flight that you have. He followed you in Misamis Oriental, dear. He kept calling you right? Little girl, I'm not dumb. I have eyes and ears everywhere. Huwag mo'kong subukan. Do what I want you to do." he ended the call. I felt dumbfounded with what he said.
Napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina. Agad akong dinaluhan ni mama at Aly. I stared at the empty space, not minding my their concerns. Mas makakabuti siguro kung hindi na muna nila malaman ang mga napag-usapan namin ng ama ni Caleb. Natatakot akong baka may mangyari na namang masama. Ilang oras din akong nakatulala bago ako nakaramdam ng gutom. I forced myself to eat something for my baby.
Lumipas ang ilang araw na ganoon ang naging sitwasyon ko. Maliligo, kakain, iiyak at buong araw na nakatulala sa tabi ng kabaong ni Papa at Jairus. Sa huling gabi ng burol, nagkaroon ng maliit na aktibidad ang mga kaklase ni Jairus. My mom let them because just like me, she also wanted to know what my brother was like when he's at school and he's with his friends. Nakasandal si Josh sa balikat ko habang sabay kaming nakikinig sa mga sinasabi ng mga kaklase ng kuya niya. The last person for the activity was my brother's best friend— Gabby. She shared her best memories with my brother that made almost all of us in tears.
"I was with him hours before the incident. Magkasama kaming nanood ng Basketball game sa may kanto gaya ng dati. We saw a couple passing by the street kaya sabay kaming sumigaw ng 'sana all'.." lahat kami natawa sa sinabi niya habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha, "tapos tinanong ko siya kung may nagugustuhan na ba siyang babae. Unang beses ko 'yung tinanong sa kanya kaya natakot akong baka maging iba ang pagkakaintindi niya. Pero tumingin siya sa malayo tapos ngumiti. He said that he cannot love anyone more than how he loves his family, especially Ate Bea. He told me how much he admire and treasure his sister more than anyone else in the world. Ang dami niyang gustong abutin na pangarap para bumawi sa Ate niya. At gabi-gabi simula noong mawala siya, wala akong ibang hiniling kundi sana nakamit niya man lang ang mga pangarap niya. Sana binigyan siya ng mas mahaba pang panahon para makasama natin." Tumigil siya sa pagsasalita at huminga ng malalim. Lahat na kami ay umiiyak habang nakikinig sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/121094988-288-k757906.jpg)