15

27 2 0
                                    


"Aaron, ikaw na ang bahala diyan. Pakibalik nalang sa kanya. Salamat." Hindi nagsalita si Aaron dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ko sa opisina ni Caleb na ngayon ay siya na ang namamalagi.



Lumabas ako pagkatapos ibigay sa kanya ang credit card at dire-diretsong pumasok sa elevator upang bumaba. Aly was waiting for me outside. Lunes ngayon pero hindi siya pumasok dahil sasamahan niya raw akong mamili ng damit para sa pagbubuntis ko. Hindi sana ako papayag kasi masyado pang maaga para do'n, but knowing Aly, hindi siya tumatanggap ng 'hindi' bilang sagot.



Pagkapasok ko sa sasakyan, agad na kumunot ang noo ko ng makitang medyo nakaawang ang bibig ni Aly. Nakatingin siya ng diretso sa labas. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Patricia na kakababa lang sa sasakyan.. kasama si Caleb. They both seem happy. Magkahawak pa sila ng kamay habang papasok sa kumpanya. Nag iwas ako ng tingin at inayos ang seat belt ko.



"Tara na, Aly. Masyadong nakakasuka ang mga tao dito." malamig na sabi ko sa kanya. Tumango siya at agad nag drive paalis ng building.



Nakarating kami sa mall at nagsimulang mamili ng mga gamit. Bumalik sa pagiging masigla si Aly habang ako itong wala sa sariling tumatango. We spent the whole morning buying everything she thought I need. Hindi ko alam kung kaya ko pa itong ipagkasya sa maletang dadalhin ko.



"Kain muna tayo, nagugutom na'ko." Reklamo ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan ako.



"Kakatapos lang natin kumain ng tanghalian, Bea. Gutom ka na naman? Ilang bata ba nandiyan sa tiyan mo?" biro niya. Ngumuso ako at tinignan siya ng masama. Nahagip ng mata ko ang isa Ice cream shop sa malapit.



"Gusto ko ng ice cream, Aly. Bili tayo do'n dali!" tinuro ko ang shop at agad naglakad papunta doon. Bumuntong hininga si Aly at sumunod sa'kin.



"Buntis nga naman." She whispered to herself, pero narinig ko parin.



Tinuro ko ang isang litrong bucket ng chocolate ice cream. Ibinalot ito ng babae at inabot sa'kin. Aly paid for it.



"Bea, mauubos mo ba 'yan? Baka sumama ang tiyan mo d'yan." She looked at me with worry and disbelief when I happily nodded.



"Aly, bili ulit tayo ng fries. Ako magbabayad, promise!" I pouted, hinilot niya ang kanyang sintido bago marahang tumango.



"Yes!" Tumakbo ako papuntang Potato Corner at bumili ng fries. Habang pababa na kami ng mall, abala rin ako sa pagkain. Naubos ko nga ito kaagad kahit na hindi pa kami nakakarating sa parking lot. It wasn't enough though, kasi gutom parin ako.



"Aly, itatapon ko lang 'to sa basurahan. Mauna ka na sa sasakyan, susunod nalang ako."  paalam ko. Naglakad ako sa pinakamalapit na basurahan at itinapon ang mga pinagkainan ko. I grab my wet wipes inside my handbag and wiped my hands, I also threw it away after.



Naglakad ako habang inaayos ang mga gamit sa handbag ko. I wasn't looking to where I'm walking, kaya dahan-dahan lang akong naglakad.



"B-Bea, can we talk?" halos mapalundag ako sa gulat ng sumulpot si Caleb sa harapan ko.



Namuo ang galit sa sistema ko at nilagpasan siya. He grabbed my arms tightly para pigilan ako sa pag-alis.



"Let me go, Caleb." I said coldly. Binitawan niya ako kaya agad akong naglakad ng mabilis palayo sa kanya.



Nasa bukana na 'ko sa parking lot ng mall ng may humatak muli sa kamay upang pigilan ako sa paglalakad. I was about to pull my hands from his tight grip when he suddenly hug me from behind. Napahinto ako at parang nawalan ng hininga. Ramdan na ramdam ko ang init ng katawan niya at ang mabilis na pagtibok ng puso niya.



QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon