"Nakabusangot na naman 'yang mukha mo. Naku, kapag pumangit 'yang inaanak ko, sasapakin talaga kita." maangas na sabi ni Aly habang masama akong tinignan.
"Naisip ko lang, pa'no ka kaya dito kapag nakaalis na ako. Siyempre mag-aalala ako kasi baka puro ka nalang trabaho at baka araw-araw ka na magpunta sa club. Wala ka pa namang boyfriend—"
Isang unan ang agad na lumipad papunta sa direksiyon ko kaya sinagga ko ito gamit ang mga braso ko. I laughed so hard nang makita si Aly na galit akong tinignan. Umirap siya at umuusok ang tengang naglakad papunta sa kusina. Tumayo ako mula sa couch at sinundan siya. I sat on a high chair and smiled at her while she's busy making herself a sandwich.
"Tumigil ka buntis, baka masapak kita."
"What? I didn't say anything." I innocently said. Sge rolled her eyes before assembling the sandwich.
"Wala ka ngang sinasabi pero halata naman na may iniisip kang iba."
"Ano naman iisipin ko? Hmm.." patay malisya kong sabi bago nagngiting aso.
This morning, someone sent flowers for her. Walang card na nakalagay kaya hindi namin alam kung kanino galing. But, I have someone in mind who could possibly sent them for her. It's been years, pero alam kong hindi parin nito nakakalimutan ang kaibigan ko.
"Hindi ko alam, Bea. Kaya please lang, tumigil ka. May hawak akong kutsilyo, naku talaga." naiirita niyang sabi habang hinihiwa sa dalawa ang sandwich.
"Hmm.. Do you think it's him?" I asked, while showing her my widest smile.
"No. Matagal na 'yun. Tsaka nasa ibang bansa siya ngayon." she defended.
"Sigurado ka bang hindi pa siya nakakauwi? Did you check your twitter?" she rolled her eyes before handling me a small plate with 2 pieces of sandwich.
"Wala akong panahon sa social media, Bea. Umuwi man siya sa Pilipinas o hindi, wala akong pakialam."
She cleaned the counter and grabbed 2 bottles of juice from the fridge. Then she sat beside me before putting the other bottle on my side.
"Okay, if you say so. Pero balita ko may bago siyang Album. Hindi mo ba gustong marinig ulit boses niya?"
"I don't want to. Pinapanindigan ko ang lahat ng sinabi ko dati sa sarili ko. Wala na 'kong pakialam sa kanya, Bea."
"May playlist ka nga ng mga kanta niya e." I joked.
"Pa'no mo.. B-Bakit mo naman nasabi? W-Wala ah!" she defended. Namutla siya at nanlaki ang mga mata.
"Ay guilty ka girl. Nagbibiro lang naman ako." I said before laughing hard.
We spend my last day watching movies and joking around. We baked cookies and cooked our dinner together. Surely, I'll be missing these moments with Aly.
"Ano ba 'yan! Bakit ang lalakas ng loob ng mga kabit?! Sila na nga 'yung nang-aahas ng may asawa. Naku, talaga!" reklamo niya sa pinapanood naming episode ng isang Korean Drama.
"O' dahan-dahan lang. 'Yung puso mo baka mapano." I joked, pointing her chest. Kahit wala naman.
"Hindi na talaga ako mag-aasawa. Ayokong tikman lang tapos pagsasawaan kapag nakahanap na ng iba." hugot niya sabay humalukipkip.