"What should I say to them?" Caleb asked anxiously, nasa loob kami ng sasakyan niya. Kanina pa siya tanong ng tanong, gusto ko mang matawa, hindi ko magawa kasi baka mas lalo siyang kabahan.
"You don't have to create a script of the things you want to say to them, Caleb. Just be yourself. I'm sure they will like you." I gave him a reassuring smile.
Huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang building. There were a few staffs and a mid-50s lady standing near the doorsteps. Mukhang inaasahan talaga nila ang pagdating namin.
"Welcome to Youth with Purpose, Mr. Mendez and Ms. Acevedo." bati ng isang nakatatandang madre pagbaba namin ng sasakyan.
She gave us a heartwarming smile before gesturing us to follow her. The building was a combination of pastel and earthly colours kaya magaan sa mata. Dalawang palapag ito at napapalibutan ng mga berdeng halaman.
"I'm sister Eleanor, the co-founder and the charity's director." Nang makapasok kami sa gusali, ilang silid ang aming nadaanan. May mga classrooms na maayos at malinis. Nadaanan din namin ang kanilang malawak na canteen at ang kanilang mga paliguan at palikuran. The place was empty kaya nagtaka ako.
"The mission of our charity is to provide the underprivileged children and young people the chance to develop themselves intellectually, emotionally, psychologically, and spiritually by means of education and personal guidance. Most of the children here came from the streets at 'yung iba naman ay iniwan ng magulang sa harap ng gusali namin sanggol pa lamang." Tahimik lang na nakikinig si Caleb sa tabi ko.
"Sa unang palapag makikita ang mga silid-aralan, palikuran at ang kainan ng mga bata, nandito rin ang opisina ko at opisina ng mga guro. Samantalang nasa ikalawang palapag naman ang aming mga silid- tulogan."Nakarating kami sa dulong pintuan ng unang palapag. I think we're heading to their backyard. Binuksan ni sister Eleanor ang pintuan at tumambad sa amin ang mga nakangiting mga bata at ang kanilang mga guro. They are dressed properly, pinaghandaan nga talaga nila ang pagdating namin. May mga upuan sa di kalayuan at isang maliit na stage.
"Welcome to Youth Purpose Mr. Mendez and Ms. Acevedo!" they greeted us in unison. Caleb smiled awkwardly halatang hindi sanay sa ganitong sitwasyon. I smiled at the children and clapped joyfully. The children did the same kaya natawa ako.
"Hey, just relax, Caleb. They're just kids, say something." I whispered. Tumango si Caleb at sinabayan kami sa pagpalakpak bago magsalita.
"T-Thank you for the warm w-welcome everyone. W-We appreciate your effort." Natawa ako dahil sa utal-utal na pagkakasabi niya.
"Sir ipapasok na ba namin ang mga gamit?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Caleb. Tatlong sasakyan ang dala namin, dalawang pick-up truck at 'yong BMW ni Caleb. Dala ng dalawang pick-up ang mga bagong gamit para sa mga bata at ang mga food packs na ibabahagi mamaya.
"Yes, please. Pakilagay nalang ng maayos sa mesa." Caleb instructed.
Pinaupo kami ni Sister Eleanor sa isang lamesa na malapit sa stage. Sa kaliwang bahagi namin ang entablado samantalang nasa kanan na gawi naman nakaupo ang mga bata at mga empleyado. Everyone was happy and the atmosphere of the place was lively. I saw Caleb staring at me, nakangiti, so I smiled back.
"Thank you for doing this. The kids are really happy." I said, smiling and looking directly to his eyes. I've never seen this side of him. Nakakatuwa na makita siyang masaya. Pero a part of me is somehow sad that it wasn't Felix who's fulfilling one of my bucket list.
