“Bea, 'wag mong paglaruan ang pagkain mo. Kanina ka pa dyan nakatulala.”
I tried to eat pero wala talaga akong gana. I put my utensils down.
“Ayoko ng kumain Aly, wala talaga akong gana. Babalik na ako sa office.” I said before walking away. Aalma pa sana si Aly pero nakalayo na ako sa kanya.
Dumiretso ako sa aking cubicle at nagsimulang tapusin ang mga naiwan kong trabaho. Ilang oras ang lumipas bago ko namalayan ang paglapit ni Aly sa cubicle ko.
Umirap ako bago nagsalita. “What do you want Alysia? Bilisan mo marami pa 'kong tatapusin.” Hindi parin siya tinitignan.
She held my hands kaya bumaling ako sa kanya. She's pouting like a puppy. Umirap ako at nagtype ulit sa Desktop computer.
“No, Aly. I don't want to go out with you. I have so many things to finish tonight. Tsaka may trabaho tayo bukas.”
“Please, Beatrice! Pretty Please! Ililibre kita promise! Tsaka Friday naman, e. Sandali lang talaga tayo. Hindi tayo aabot ng 3am promise! Uuwi na tayo ng 1 or 2.”
I rolled my eyes, sighing before looking at her. Eto na naman siya sa mga gala niyang pati ako nadadamay.
“Okay. Pero hindi ako iinom, ayokong umuwi ng lasing. Wala ring mag-uuwi sa'yo 'pag pati ako nakainom.”
She giggled. Abot tenga ang ngiti niya habang pasuntok-suntok sa hangin.
Geez. She's crazy.
“Thanks, Quinn! I love you!” She shouted before walking away. Napatingin sa direksiyon ko ang ibang empleyado.
Napatakip ako sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Siya lang talaga itong may lakas ng loob na tawagin ako sa pangalawa kong pangalan. And I hate it.
After work, napadesisyonan nalang namin na mag take out ng dinner dahil pareho kaming pagod sa trabaho. After eating agad kaming nagbihis para pumunta sa Bar.
“Whoa. You look so hot.” she complimented.
“Thanks.”
I'm wearing a red velvet body hugging dress. Maiksi ito at medyo open ang likod na parte kaya kita ang balat ko. I paired it with a silver heels and silver pouch. Nagdala rin ako ng black leather jacket para hindi ako lamigin kung sakaling uuwi na kami. I finished the look with a minimal make up.
Lumabas na kami ng building at nagtungo sa sasakyan niya.
“Alam mo, dapat talaga palagi tayong lumalabas ng ganito. Para naman ma-expose 'yang ganda mo. Daig mo pa ang katawan ng ibang models, e!” she said after starting the engine.
Umirap ako sa kawalan. Tahimik lang ako buong byahe habang walang tigil naman sa pagsasalita si Aly. Nakarating kami sa bar at pumasok.
Nagpahatak nalang ako kay Aly. Minsan hihinto siya para batiin ang mga kaibigan niya, ipapakilala niya ako tapos may kakawayan ulit na iba.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo bago niya ako hinatak sa isang table na puno ng mga taong hindi ko kilala. May tatlong babae at apat na lalaki.
“Hoy Alysia! Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?” tanong ng lalaking may malalim na dimples sa magkabilang pisngi. He looks really handsome and carefree.