9

20 1 1
                                    

"Ahh sige po, maraming salamat po ulit." Tumango ang guard bago tuluyang umalis. I close the front door of his unit before entering his room. Nakahiga pa rin siya at mukhang natutulog na.



Nabagabag man ako sa mga sinabi ng guard, isinantabi ko nalang ito para maalagaan ng maayos si Caleb. I felt like I need to. Hindi ko alam kung parte ito ng trabaho ko pero gagawin ko parin dahil boss ko siya.



"Hey, Cal? Wake up. You need to take off your shirt. Mangangamoy alak ang kama mo." Tinapik ko ang pisngi niya pero hindi parin siya nagigising.



I went to his bathroom para kumuha ng tubig at towel. I took his shirt off before wiping the damp towel to his body. Maganda ang hubog ng katawan niya, siguro dahil nagwo-work out siya. Hindi na ako masyadong naiilang sa mga ganitong bagay kasi I grew up in a household filled with men. Tsaka nasanay na rin ako kay Felix.



I took a cotton pad with a facial cleanser to wipe his face. Amoy na amoy ko parin ang alak sa hininga niya. Isinuot ko nalang sa kanya ang isang malinis na tshirt bago ko niligpit ang mga gamit. I left him wearing his jeans though. Ayokong tanggalin 'yun mag-isa dahil baka kung anong isipin niya. Inayos ko ang unan at kumot niya bago lumabas.



I went to his kitchen para maghanap ng tubig at gamot para sa kanya. I also sent a text message to Aly kung nasa'n ako ngayon. Pumasok ulit ako sa kwarto ni Caleb at inilagay ang tubig at gamot sa side table niya. He's peacefully sleeping. Nawawala lahat ng nakakatakot na features niya kapag natutulog siya. I like him this way, napakaamo niyang tingnan.



Lumabas ako ng kwarto niya at humiga sa couch. It was 4 am already, hindi ko alam kung makakapag-pahinga pa 'ko. Buti nalang at wala kaming trabaho bukas, 'pag nagkataon mukha talaga akong multong papasok ng opisina. Maraham akong pumikit at agad nakatulog dahi sa puyat.



Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Padabog akong umupo sa couch at inabot ko ito mula sa mesa. Agad ko itong sinagot ng makitang si Aly ang tumatawag.



"What the hell?! Kanina pa 'ko tumatawag Bea! Anong ginagawa mo d'yan sa condo ni Caleb?!" medyo inilayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Aly. I rolled my eyes before standing up to brew some coffee and wash my face.



"Can you please lower your voice. Ang aga-aga pa Aly, ano ba." reklamo ko sakanya habang naghihilamos ng mukha sa bathroom malapit sa kusina. I patted my face to dry with the use of a clean towel I found on Caleb's bathroom last night. Ginamit ko rin ito kagabi kaya hindi naman siguro masama kung gagamitin ko ulit. Hindi naman ako maarte tsaka ayoko ng mangialam sa ibang mga gamit ni Caleb.



"Hoy Bea, ayusin mo 'yang sasakyan ko. Naku, 'pag 'yan nagasgasan, sasabunutan talaga kita."



"Alam mo Aly, sa 'ting dalawa, mas una mo pa yatang mabangga itong sasakyan mo kaysa sa 'kin." Natawa ako habang naiisip ang pikon niyang mukha.



"Aba, 'wag mo 'kong inaasar, Bea! May atraso ka pa sa'kin! Iniwan mo 'ko kagabi ng mag-isa! Pa'no kung may nanloob sa condo? Pa'no kung may kumidnap sa'kin?! Naisip mo—"



"Hindi ka na bata, Alysia. Tumigil ka nga." Mas lalo akong natawa sa pinagsasasabi niya.



When the call ended, I went to Caleb's kitchen to look for something to cook. He has a big kitchen even if he's living on his own, well that's what I thought. Hindi ko naman alam kung may kasama ba siya dito. Doble rin ang laki ng unit niya kumpara sa unit ni Aly at Felix. Kagabi pa nga ako nako-conscious sa paglilibot kasi halos lahat ng gamit mukhang mamahalin. Kahit na simple lang ang interior ng condo niya, malinis ito at sumisigaw parin ng karangyaan. Well, what do you expect from a business tycoon? Kaya nga kahit na nakaka-intimidate at nakakatok talaga siyang kasama, tinitiis ko lang dahil kailangan ko talaga ng pera kasi umaasa sa'kin sila mama.




QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon