18

14 1 2
                                    

"Ate, kumain ka naman kahit konti lang." sabi ng kaptid kong si Josh habang inaabot sa akin ang ang isang paper bag na may pagkain. Inilayo ko ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. I looked blankly at the empty space.



Umalis si Josh at kinalabit si Aly sa may di-kalayuan. Nakikipag-usap ito sa mga tao pero agad ito naglakad patungo sa kinaroroonan ko matapos itong bulungan ng kung ano ng kapatid ko. Malamang nagsumbong ito kay Alysia.



"Eat, Bea. Huwag mong dagdagan ang iniisip ng mama mo." Aly said crossing her arms in front of me. I looked at my mom who's talking to my brother. Nakangiti ito pero kita parin ang lungkot sa mga mata niya.



"Hindi ako gutom, Aly. Umalis ka na." I said coldly. But instead, Aly didn't move. Nakatayo lang ito at nakahalukipkip sa harapan ko.



"Aly, ano ba?!" Galit kong sabi. Tumahimik ang mga tao sa loob ng bahay namin kung saan nakaburol ang ama at kapatid ko. Naglakad ako paalis at dumiretso sa kwarto ko.



"Bea, can you please stop acting like a kid?!" Marahas niyang hinatak ang braso ko bago ko pa maabot ang hawakan ng pinto. Hinarap ko siya at galit siyang tinignan.



"I'm not acting like a goddamn child, Alysia! Nahihirapan ako! Pagod ako! Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede!" sigaw ko sa kanya habang dinuro-duro ang sarili ko.



"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito? Akala mo ba hindi nasasaktan ang kapatid mo?! Akala mo ba totoong ayos lang ang mama mo?! Tangina, Bea. Tayong lahat nahihirapan dito. Hindi lang ikaw!" pasigaw niyang sambit habang galit akong tinitignan.



"You'll never understand how I feel right now, Aly. Hindi ikaw ang nawalan." I said calmly, looking away.



"Tama ka, Bea. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo. Pero alam kong hindi lang ikaw ang nahihirapan dito. Nakita mo ba ang kalagayan ni Josh, Beatrice? May bandage pa 'yung bata sa braso, puyat pa kakabantay sa' yo, at walang pahingang inaalagaan ka at ang mama mo. Pagod rin 'yung bata, Bea! Pero ni minsan, narinig mo ba siyang magreklamo sa'yo?" She stopped and looked at me straight in the eyes.




"Kakagising lang ng mama mo kahapon pero mas ginusto niyang dito magpahinga sa bahay niyo. Ang pamilya na ni Mang Rene at ilan sa mga kapitbahay mo ang nag-aasikaso sa mga tao na pumupunta sa burol. Lahat tayo walang pahinga, Bea! Flight ko dapat ngayon pero hindi ako umalis dahil nag-aalala ako sa'yo! D'yan sa bata sa sinapupunan mo! Ni minsan ba sumagi diyan sa kokoti mo na hindi lahat ng panahon, kaya mong mag-isa?! Lahat tayo apektado dito, Bea. Intindihin mo naman sana 'yun." She left after saying that. Kita ko ang bahid ng inis at pagod sa mukha niya. Alam kong nahihirapan din si Aly, pero hindi niya pinapahalata.



Pumasok ako sa kwarto ko at doon tahimik na umiyak. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakatulog dahil sa pagod. Kinaumagahan, nagising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay.  Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo at magsipilyo. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa labas. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang pigura ng isang pamilyar na lalaki.



He's here.



Nakikipag-usap siya kay Mang Rene at sa iba naming kapitbahay. He's wearing a white button-down shirt tucked in a black slacks. He stopped talking when Mang Rene pointed me. Agad siyang napalingon sa direksiyon ko at naglakad patungo sa'kin.



"Hey, Good morning." he greeted, smiling widely at me.



Hindi ako sumagot at sa halip ay tinitigan lang siya. My breathing became heavy and my eyes were blurry. Fresh tears fell from my eyes as I look at him. Hindi ko alam na may luha pa pala akong natitira.



QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon