"Where are we?" I asked. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I gazed at my wrist watch and saw it was 5:57 in the morning.
"Nasa Batangas na tayo, ilang kilometro nalang ang layo natin sa hotel." tumango ako sa kanya at nagsimulang ayusin ang sarili ko.
I was wearing a black turtleneck long sleeve, high-waisted denim pants and a beige casual coat. I also completed my outfit with a pair of white sneakers. On the other hand, Caleb was wearing his white hooded jacket with a minimal print in the middle saying 'a mendez' in bold letters. He paired it with a denim jeans and a pair of white Nike Air Max.
"Anong oras ba magsisimula ang event?" tanong ko nang makarating kami sa hotel.
He went outside and get his bag from the backseat, I did the same. We went inside, inilibot ko ang aking paningin sa lobby ng hotel habang may kinausap saglit si Caleb sa front desk.
"The event will start tomorrow, gusto ko lang makarating ng mas maaga para makapagpahinga." sagot niya sa tanong ko kanina.
"This hotel is really beautiful." He started to walk and went inside the elevator, I followed him like a kid.
"Our family own this hotel. It is one of my dad's properties. Marami pa nga nationwide, ayoko ng banggitin." he admitted, I was shocked for a second. Alam kong mayaman sila pero hindi ko alam na may mga hotel silang pagmamay-ari.
"Ow. Ganon ba. Napaka swerte mo naman pala sa pamilya mo." I said unconsciously. Lumabas kami ng elevator at nagtungo sa hallway papunta sa kanya-kanya naming kwarto. He handed me the key to my room, tatalikoran ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.
"Some people may say that I am lucky to have everything I need whenever I want. But I never asked for this kind of life, Bea. Hindi ito ang ginusto ko pero wala akong ibang pagpipilian."
Tirik na ang araw sa labas pero hindi ko parin magawang tumayo sa kama. I felt guilty with what I said about Caleb being lucky for having a wealthy life. I felt guilty and confused with what he said to me. Ayokong mag-assume pero alam kong may mali.
"Ms. Acevedo, kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Mendez sa baba." I rolled my eyes. Kanina pa may pumupuntang empleyado ng hotel para gisingin ako. Hindi naman talaga ako nakatulog, ayoko lang silang sagutin.
"Sandali lang, susunod na lang ako." I took a shower and get dressed before going to the hotel's restaurant. Iginaya ako ng waiter sa table kung nasaan si Caleb. Umupo ako habang siya naman ay tahimik na kumakain.
"Eat your breakfast." he simply said without glancing at me. Galit pa rin ata siya sa'kin.
I ate my food peacefully. Paminsan-minsan, sinusulyapan ko siya pero nasa pagkain lang ang atensyon niya.
"I have some paperworks to review kaya hindi kita masasamahan maglibot sa resort. Magpasama ka nalang sa isa sa mga empleyado namin dito." he stand up and walk away, leaving me stunned.
I spent the whole day exploring the whole resort hotel and the places near it. A hotel employee named Mike helped me in my exploring adventure. We went to a Honey Bee Farm and jumped from one Church to another. It was really fun. Sana nga lang e nakasama si Caleb sa'min.
Gabi na ng magdesisyon akong kausapin si Caleb. My guilt is eating me at alam kong hindi ako makakatulog ng maayos kapag may kasalanan ako sa ibang tao.