1

48 2 0
                                    

I wake up with a headache. Napahawak ako sa aking ulo at napagtantong may nakabalot sa bandages dito. Hindi ko rin maigalaw ng maayos ang aking kanang kamay at kaliwang paa.



"Ano ba Bea 'wag ka munang gumalaw. Hindi pa maayos ang kondisyon ng katawan mo kaya magpahinga ka muna." Aly sat beside me and gave me a worried look.



"What happened?" I asked habang pinagmamasdan ang kwarto kung nasaan ako.



Nakita ko ang kumpol ng puting rosas sa side table. Mayroon ding mga prutas at mga bag na may lamang damit. Bumaling ulit ako kay Aly na nakakunot na naman ang noo.



"You were unconscious for more than 2 weeks now, Bea." hinawakan ang aking kamay. Her eyes were filled with worry and confusion. "Hindi mo ba naaalala ang nangyari?"



I blinked and tried to remember what happened.
I remembered...



The café.

The cake.

Felix on the bed with another woman.

And the accident.



Then it hits me. I thought it was just a dream. I thought it wasn't true. I thou-



"Hey, hey! Are you okay? Ano- sandali. 'wag ka munang umiyak please. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag umiiyak ka, Bea." nag hysterical siya.



I chuckled. She was still the same girl I've met 5 years ago.



"Why are you laughing?! Oh God! You're crazy." sinapo niya ang kanyang noo while starring at me in disbelief.



"I miss you, Aly."



"I miss you too, Bea. I'll just call the doctor, 'kay? Don't cry please. We'll talk about what happened when you're better." tumango ako at pinagmasdan sya habang palabas ng kwarto ko sa hospital.



Napabuntong-hininga ako at pinahid ang aking mga luha.



This wasn't the first time Felix cheated on me, but this was the first time na nasaktan ako ng sobra physically dahil sa kagagohan niya. The accident happened because he cheated on me. Kung hindi ko siya naabutang may kalaguyo sa kama, baka maayos pa ako ngayon. Baka naipagpatuloy ko pa ang pagiging bulag sa kanya.



Sino ba naman ang hindi mababaliw sa kanya? He's Felix Dione Aguirre. The youngest son of Don Robert Aguirre, the owner of the biggest Transport Service Company in the Philippines. The wealthy charmer of Misamis Oriental.



And who am I? I'm no one.



Siguro nga tama ang sinabi ni Aly sa'kin noon na dapat hindi nalang ako sumugal kay Felix. Kung nakinig ako kay Aly, sana hindi ako umabot sa ganitong kundisyon. But what can I do? I am so attracted to him. He made me feel so special and I love everything about him.



Kahit na magsinungaling siya sa akin o lokohin ako ng harap-harapan, mahal ko parin siya. Kahit na sabihin ng iba na masama siya, alam kong sa loob ng isang taon ipinakita niya sa'kin kung ano ang pakiramdam na maging masaya. Ngunit ngayong nagkamali ulit siya, hindi ko alam kung papaano ako tatayo ng wala siya.



He became my strength when I am at my lowest point. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako mag isa, sinabi niya sa aking magbabago na siya, at nangako siyang ako lang mamahalin niya.



But look at what happened. I depended myself on him kaya ngayon hindi ko na alam kung papaano tumayo ng mag-isa.



Naputol ang pagmumuni-muni ko ng pumasok sa kwarto si Aly kasama ang doctor. I wiped my tears away and looked at them.



QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon