"Holy mother of cheesecakes, he did?! Ginawa ni'yo talaga?! Wow, Congrats! Kailan ang kasal?" napatili si Aly at tumalon-talon pa.
Kakauwi ko lang kagabi samantalang kaning umaga pa lang nakauwi si Aly galing Japan. Hindi ko na siya nasundo kasi pumasok pa ako sa trabaho. Caleb didn't go to work today though, kaya nagtaka ako. Mas maaga rin siyang umalis sa Pangasinan kahit na sa Huwebes pa kami dapat uuwi. The last time we saw each other was in my hotel room. After that memorable night, hindi ko na siya nakita sa umaga. Aaron told me that Caleb has something important to do. I texted him a couple of times but he didn't respond.
Aly shared what happened to her in Japan and I also told her about what happened in Tagaytay and Pangasinan while we were at the living room watching random movies.
"Walang magaganap na kasalan, Aly. I'm not even sure if he meant everything he said."
"Pero sino ba talaga sa dalawa Bea? Isipin mo 'yun, dalawang anak mayaman at parehong gwapo ang nabighani sa kagandahan mo. Haba ng buhok mo, 'te. Putulin ko kaya?" biro niya.
"Hindi ko alam, Aly. Ang alam ko si Felix parin ang laman ng puso ko pero nalilito ako kapag si Caleb na ang pinag-uusapan."
"Sana lahat talaga may pinagpipilian. Sana lahat dinidiligan." biro ulit niya sabay hagalpak ng tawa.
"But seriously, Aly, bumabagabag sa'kin kung bakit ayaw niya akong lumapit sa papa niya."
"Baka mafia boss ang papa niya. Baka natatakot siyang ipa-kidnap ka ng papa niya katulad ni Laura do'n sa pinanood kong palabas sa eroplano kanina." tumawa na naman siya at pinahid ang luha sa gilid ng kaniyang mata.
"Alam mo Alysia, ang tino mo rin talaga kausap 'no? Ang sarap mo na ngang sapakin, e." pinanliitan ko siya ng mata at uminom ng tubig upang pakalmahin ang sarili ko.
"Biro lang." humalakhak siya bago nagpatuloy sa panonood kasama 'ko.
Patapos na ang pinanood namin ng magsalita siya ulit.
"Baka pinoprotektahan ka lang niya. Everything we do has different reasons, Bea. You just have to be patient with him. You just have to be patient with yourself. Trust the process."
I did what Aly said and tried to be more patient with myself. The next day was a Saturday so I went back to work as usual, kahit na wala naman akong gagawin kundi tumunganga. I went straight to his office, plano kong magpaalam sa kanya na uuwi ako sa probinsya namin para sa kaarawan ng kapatid ko sa susunod na Biyernes.
I knocked and opened the door. Kumunot ang noo ko nang makitang walang tao sa loob. I closed the door and went to Annie's desk.
"Annie, bakit hindi pa rin pumapasok si Caleb?"
Tiningnan niya ako saglit bago itunuon muli ang atensiyon sa folders na binabasa.
"I've been waiting for you to ask me that." may inabot siya sa'kin na isang maroon na envelope. It was wax sealed with a letter M engraved sophisticatedly. "He told me to give you that."
Kinuha ko ito mula sa kamay niya at umupo sa isang upuan sa gilid. Binuksan ko ito at tinignan ang laman. A white piece of paper and a black credit card was placed inside. Binuksan ko ang puting papel at binasa ang nakasulat.
Beatrice,
I had a great night. Sorry to say, but your service ends here. I had a great time with you. Please use the credit card in buying your needs. Take care of yourself.