4

24 2 2
                                    

"Bea, ipinaayos ko na ang magiging kwarto mo."



Tumango ako at linibot ng tingin ang condo unit ni Aly. Medyo maliit ito kumpara sa unit ni Felix pero sakto lang ito para sa dalawang na tao. Inilagay ko ang dalang gamit sa tabi para tuloyang makapasok.



"Salamat, Aly. Hindi naman kasi kailangan na dito ako tumira muna. Kaya ko naman bumalik doon sa-"




"Oh God, Beatrice! 'wag mong sabihin na doon ka titira sa dati mong boarding house. Napakaliit no'n tsaka sobrang pakialamera ng land lady. Geez" inirapan niya ako sabay hilot sa kanyang sintido.




Natawa ako mahina at napailing nalang dahil sa naging reaksiyon ni Aly.




"By the way, it's Sunday so I need to go to the gym. Alam mo naman, eto lang ata ang araw ng pahinga ko. Tsaka mamaya ha! Samahan mo 'kong mamasyal sa Mall." she said before entering her room para magbihis.




"Yes Aly!" sigaw ko na paniguradong hindi rin naman niya narinig.




Nakangiti ako habang dala-dala ang aking mga gamit papasok sa kabilang kwarto. Bumungad sa' kin ang isang malaking kama, isang couch na may coffee table, flat screen TV, book shelf na may lamang mga libro, isang malaking cabinet at isang bathroom.




I went to the cabinet to place my clothes. Pagtapos ay inilagay ko na rin ang aking bathroom amenities. Nag-shower ako at nagbihis para makapagluto ng breakfast.




I went to the kitchen to find something to cook. Lumabas naman si Aly sa kanyang kwarto bitbit ang kanyang duffel bag.




"I'll be right back. Dyan lang naman ako sa baba ng condo mag gigym. Bye! Love you!"




I nodded and waved at her bago itinuon ang pansin sa aking niluluto. After cooking, I sat on the dining table to eat my breakfast. Kakatapos ko lang magligpit ng pinagkainan ng dumating si Aly.




"Bea, magbihis ka na. Aalis tayo ng 9am. Tsaka wear something formal, we'll be having lunch with someone." she then sat on the dining table to eat. Kumunot ang noo ko bago marahang tumango at umakyat para makapagbihis.




I wear a simple vintage floral dress na hanggang tuhod and I paired it with a white heels. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahaba at umaalon na buhok at naglagay ng kaunting make up para makulayan kaunti ang aking mukha. I put my phone, credit card, powder, and lipstick sa isang puting pouch.




Tinitigan ko ang aking itsura sa salamin bago tuluyang bumaba. Wala pa si Aly kaya umupo muna ako sa couch at tiningnan ang aking cellphone. There were a couple of texts from my mother, tapos kay Felix and then a text from an unknown number.




I read my mom's messages saka siya tinawagan. She was asking if I can lend her some money for my brother's school trip. Sinabi ko nalang sa kanya na huhulugan ko siya kasama na ang tuition fee ng dalawa kong kapatid sa buong taon. Pagkababa ko sa tawag ay agad kong binasa ang mga messages ni Felix. It was all an apology. Mayroon ding mga message na sinasabi niyang magkita raw kami o di kaya'y pupuntahan niya ako.




I rolled my eyes before I turned off my phone. I was about to stand up when my phone rang. Tiningnan ko ito at nakitang isang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko ito ng nakakunot ang noo.




"Hello? Who's this? " I asked.




Mas lalong Kumunot ang aking noo ng walang sumasagot. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na nga itong ibinaba ng kabilang linya.




QUINN: A Valiant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon