Chapter 10

160 7 0
                                        

Cleo's pov

Days passing parang kahapon lang nangyari ang pagkamatay ni Jane, hindi pa din alam ng mga magulang niya kasi nasa States pareho ang mga magulang neto.

Katahimikan ang bumungad sa akin sa salas patungong kusina, kung noon ay mga ganitong oras masaya silang kumakain at nag aasaran, nagtatarayan. Pero ngayon tahimik na tahimik. Nasa hapag na sila kasama si manang na umiiyak, maga ang mga mata ng mga kasama kung babae, ang mga lalaki naman kita sa mukha nila na walang saktong tulog, gulo ang mga buhok.
Do we really need to be in this situation?

"Morning." Bati ko lahat na nasa hapag kompleto sila. Sabay namang napalingon ang mga nasa hapag. Tumango lang sila bilang pag acknowledge ng presence ko.

Umupo ako sa silya at kumuha ng pagkain, kumain naman kami ng tahimik.
At binasag ni Michael ang tahimik na hapag.

"May nakapagsabi kahapon sa amin Cle na nakaencounter ka ng insidente kagaya ng kay Jane?" Tanong niya sa akin na ikinatigil ng lahat na para bang nakalimutan nila pero agad nilang naalala na itatanong nila eto sa akin.

Inilagay ko naman ang kutsara't tinidor na hawak ko.
At tumango ako sa kanila.

"Why didn't you tell us?" Ria said.

"What for? Saka di naman kayo nagtatanong eh. And I know na hindi kayo maniniwala sakin." Sinabi ko na parang wala lang.

"Kahit naman diba? Besides tayo-tayo nalang dito maglilihiman pa ba tayo?" Andy

"Wala naman kayong pakialam." dagdag ko pa.

"Hindi naman ibig sabihin na iniiwan ka namin sa lakad namin, eh di muna sasabihin samin cous, were team here, we just like a family here." Gatong rin ni Step.

"Family? Siguro sa inyo, pero sakin? I didn't feel anything about family stuff that you just said. Hindi niyo nga ako pinasasama sa lakad niyo. How could a family possibly do that? Mahirap naba sa inyo na gisingin ako? Mahirap nabang kumatok sa pintuan ko and tell me if ever sasama ako? Hindi, wala, kahit sino sa inyo. They might be people who want me to join your group but iilan lang sila? Di naman ako nangangagat, maybe I have this aura and attitude na ayaw niyo, pero kahit naman lang formal lang diba? Kahit maliit na malasakit lang sa inyo wala. Ngayon you're nagging me for what happened and didn't tell all of you? Now where's the equality of that." Litanya ko sa kanila and thank god, napalabas ko na rin ang hinanakit sa loob ko. "I know I'm not part of this journey, pero kahit bilang tao nalang? Kahit konting respeto, masakit din kasi eh." Umalis ako sa hapag nawalan ng ganang kumain.

Para din kasi sinisi nila sa akin ang lahat na nangyayari sa amin ngayon, kahit indirect, I know ako ang nagiging criminal sa kanilang harapan, bakit? Dahil ba hindi nila ako nakakasalamuha? They didn't have the guts to tell me anything! Parang itsapwera ako sa lahat. I try to warn them but what did they do? They laughing their *sses off, as if I'm telling the most craziest joke ever!

Pagdating ko sa kwarto ko I lock it. Binagsak ang katawan ko sa kama. I sigh, bakit ba? Lagi sa isip ko kung bakit, bakit ba? Bakit ako? Ano bang mali sa akin? Mahirap ba akong e approach? Mas mahirap nga silang I approach eh! Di ko namalayan, I'm crying my eyes out, basta nalang tumulo ang luha ko. At hinayaan ko nalang ang mata kung umagos ang luha kasabay sa hinanakit ng puso ko. Humahagulhol ako, masakit na para bang itsapwera ka at parang wala kang kwenta sa kanila. Ano bang ginawa ko at ganito ang turing nila sa akin? I cry till my eyes wants, until I drift to darkness.

--------------------------------
Andito ako ngayon sa isang lugar na di ko alam, nilibot ko ang lugar para akong nasa kakahoyan.

"Hello?!!" Nag echo ang boses ko.

The Island's SecretWhere stories live. Discover now