Chapter 14

142 4 0
                                    

Cleo's pov

Nanlamig ako sa sinabi ni Detective na hanggang ngayon ay di maprossesso ng utak ko ang sinabi niya.

Ano po kaso yun?

Gusmano case.

Tinapik naman ni Sander ang balikat ko na siyang ikiniangat ng ulo ko. Tumabi siya sa akin.
Hindi pa rin ako nag umiimik. Paano nga kung totoo ang hinala ko na may kinalaman dito si Lysander?

Dapat ko tong sarilinin muna. Hanggang sa makakita ako ng ebidensiya kung sino ang killer.

"You ok?" Tanung ni Sander sakin. Tumango lang ako.
Bumuntunghininga naman siya.

"I know your still shock about what happened, but let's move on already, the police are there to investigate what lies within this island." Tumingin ako sa kanya na para bang sinusuri ko siya. Bakit parang wala lang sa kanya?

"Bakit di kana tatakot? Bakit parang wala lang sayo ang lahat na nangyari? Sander kaibigan mo din ang namatay, kahit na ba ganun sila dapat ipagluksa sila, kahit na ba bilang tao nalang." Tumitig naman siya sa akin ng malalim.

"I care for them, yes, they are my friends pero hindi natin maibabalik ang buhay nila. But I care for us, most especially you. Mas mapanganib ang buhay natin dito sa isla." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Sana nga mali ang hinala ko, kapag napatunayan kung isa siya sa salarin kung bakit may patayan dito. Walang kaibigan kaibigan.

"You don't have to worry my welfare I can manage thank you. I'm ready to fight no matter what." Nagtungo ang isang kamay niya sa kaliwang pisngi ko and he soothe my cheeks using his thumb.

"I know, I also know you'll be one of the victims." Lumaki ang mata ko at parang napapasong lumayo sa kanya.

"P-paano mo nalaman yan?! S-sabihin mo sa akin ang t-totoo isa kaba sa pumapatay dito?!" May dumaang sakit sa mata niya.

Tiningnan niya lang ako sa blangkong mukha.

"I don't have guts to say everything to you. Also it's not the right time to tell you." Tumayo siya at lumapit siya sa akin. Umatras naman ako ng umatras hanggang sa humalik ang likod ko sa dingding hahakbang sana ako papalayo kasi palapit siya ng palapit sa akin. Hanggang sa na corner niya ako, at kinabahan ako. Hindi ko alam kong sa takot ba o sa sitwasyun namin.

Wala sa oras ang landi Cleo!  Sabi ng utak ko. Inaamin ko may gusto ako kay Lysander pero gulong gulo na ako ngayon.

Lumapat ang noo niya sa noo ko. Instantly I close my eyes, kahit na nanginginig ako katawan ko sa takot.

"Please trust me. You don't know everything about me. Just stay in my sight always, I  don't want to lose you." Kung sa ibang sitwasyon siguro kikiligin ako. Pero sa nangyayari sa amin hindi kilig naramdaman ko kundi takot. Takot sa buhay naming lahat.

Umiling lang ako. Nilayo niya ang noo niya kaya napadilat ako ng mata ko, tiningnan niya lang ako. Na para bang nagmamakaawa sa akin na pagkatiwalaan siya.

Ngayon ko lang siya nakita na nagmamakaawa, at saakin pa talaga.

"Hindi na kita kilala Lysander. Magulo, lahat, lahat dito magulo. Wala na akong pinagkakatiwalaan kahit isa. So don't tell me to trust you, because I won't." Umalis doon madali lang akong nakawala sa pagkakakulong kasi lumuwang ang pag trap niya sa akin sa dingding.

"Then don't trust me, Just let me protect you from all of this." 

Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit lumakas ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari? Oo inaamin ko gusto ko siya pero iba naman yon eh. Pagod lang to, tama. Makatulog nga ng maayos para makatulong sa pagpatay sa mga kaibigan ko.

----------------------------------------
Bumalik ako sa kwarto ko at binuklat ang maliit na kahon doon kung saan nakita ko ang picture ni Mr. Gusmano.

Ano ba talagang nangyari ? Malabo talaga eh. Ano bang kababalaghang nangyayari sa kwartong to at sa paligid namin?

Umiikot ako sa loob ng kwarto kung titingnan mo lang para lang etong ordinaryong kwarto. Pero sa naririnig ko hindi.

Sa paglalakad ko may nasagi akong painting bigla etong nag 'creek' sound. Nilingon ko eto at dahan dahang nilapitan para ayosin pero nong lumapit na ay may naaninag akong puting tela, imbes na ayosin ang painting hinablot ko ang tela.

Pagkahablot ko wala naman, weird. Napagdesisyonan kung kunin ang painting. Pagkuha ko ay may nakita akong maliit na parang vault. Nanaman? Sa peripheral vision ko may nakatayo sa gilid ko pagtingin ko------

Natumba ako at ginamit ang paa ko palayo sa nakatayo malapit sa akin.

"Sabi ko sayo eh, hindi kita patutulugin basta nakikisawsaw ka." Ngumiti siya na walang laman.

"G-gusto ko lang malaman ang lahat. P-please help me. Namamatay na ang mga kasamahan ko." Sabi ko sa kanya tiningnan niya lang ako na parang wala lang talaga. Walang emosyon ang mukha niya.

"Iyan ang bagay na hindi mapipigilan, alam mong alam ko kung bakit." Sabi niya.

Umiling lang ako,
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo." Mas lumapit pa siya, ako naman nasandig na sa dingding.

"Mayroon, kahit papaano. Hindi mo ba naisip ang nangyayari sayo? Bakit? Bakit sa lahat dito ikaw ang piniling makatulog sa kwartong eto? Sinadya talaga niyang ilagay ka dito, bakit ikaw? Ikaw ang parating nakakakita sa mga taong namamatay at pinapatay. Lahat ng yon ay sadya." Mahabang paliwanag niya.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magtatanong o makikinig.

"Sino ba ang naglagay dito? Alam kong pinatay ka tulad nalang ni Mr. Gusmano diba?"  Sabi ko na may panginginig na tinig.

Bigla nalang dumilim ang mukha niya, at sinugod ako. Kinalmot niya ako.

At tumigil siya sa ginawa niya.

"Binabalaan kita kapag nagpatuloy ka sa ginagawa mo. Malalaman niya at isa kana din sa mga taong pinapatay niya sa isla. Huwag kanang tumuloy sa ginawa mo o gagawin palang. Ayaw kitang matulad sa akin. Kung titingnan mo bata pa ang katawan ko, pero marami na akong nakikita at nasaksihan. Huwag kanang magpatuloy kung hindi ako ang papatay sayo."
At bigla nalang siyang nawala, luminga pa ako sa paligid at sinigurong wala na talaga siya.

Tiningnan ko ang katawan ko kung saan niya ako kinalmot. May mga bakas pang preskong dugo na lumalabas sa nga sugat. Medyo malaki rin ang kalmot ko pero ininda ko eto at tinungo ko ang vault.

May lock eto pero hindi eto nagpapigil sa akin.

Kung may mangyari man saakin, mamatay man ako. Wala akong pake, basta mailabas ko lang lahat ng ebidensiya.

Alang alang sa mga taong namatay kina Jane, Ria, at sa ibang tao.. Lalo na sa batang kinausap ako kanina.

Si Misha.





Bigla nalang may yumogyog sa akin. At napabangon ako habol ko ang hininga ko.

"Juskong kong bata ka! Ano bang napaginipan mo?! Bakit may kalmot ka?! Diyos kong mahabagin.! "  tarantang sabi niya.

Napatingin ako sa braso at balikat ko may dugo nga.

Ano bang panaginip na yon? Parang totoo na hindi.

Yun ang aalamin ko.

-----------------------------------
A/n: hey guys. Thanks for supporting my stories. I know bagohan lang ako pero napili niyo pa rin ang story kong basahin. Kaya maraming maraming salamat po!

Btw, stay tune maraming kaabang abang na mangyayari at twist sa story.

Sorry sa wrong grammar and typos.

Enjoy reading! 😘😘😘

The Island's SecretWhere stories live. Discover now