Chapter 25

105 3 0
                                        

*Cleo's pov*

So that's the reason.

Magpinsan silang dalawa ni Sam at Sander.

Sila ang apo ng mga Anderson.

Masakit ang nakaraan ni Lysander, kaya ba lumalayo siya sa mga tao? Dahil sa nakita niya at naranasan niya? Pero kung iisipin ko ang pinagdaanan ni Lysander, ang bigat lang sa loob kung iisipin. Kung yon ay nangyari sa akin di ko na alam ang gagawin ko.

Pagkatapos ng sinabi niya, bigla nalang akong nanlamig sa nakita ko.

"Baby, are you ok?" Di ko siya sinagot o binigyan pansin. I just keep staring at the door.

Agad din namang liningon ni Lysander ang tiningnan ko.

"How touching it is." Pumasok siya sa loob ng kwarto with a grin on his face. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.















"MR. ASUL" I breathless said.

Ngumisi lang eto. Nagtiimbagang naman si Lysander. Agad akong nilagay ni Lysander sa likod niya.

"Get out of here." Galit na sabi niya sa bagong dating.

Mr. Asul just chuckle.

"Now, now, calm down will yah? Im not here for war, im here to listen to your wonderful story." Umupo ito sa maliit na mesa at tumingin sa akin. "Hi Cleo nice to see you again. Now." Binalik niya ang tingin kay Sander. "Continue"

"Why would i?" Habang titig na titig pa din kay Mr. Asul. He position himself just like his ready for the battle. "Your not even welcome here."

Umiling lamang eto.
"Tsk, tsk, tsk. Insan naman huwag kanamang ganyan parang wala tayong pinagsamahan ha?"

Pinsan? Lumaki ang mata ko. Napatitig kay Mr. Asul. Magpinsan sila?

"Oh nagulat ba kita Cleo?" He grin like Cheshire cat. "You should be, hindi mo alam kung ilang sekreto ang nakatago kay Lysander at bukod doon may mga sekreto pang hindi na bubunyag. If you want to know the whole truth come closer," He wiggle his two fingers na parang pinapalapit niya ako. "and ill tell you."

"Fuck yourself! Get out! Out! Ayaw kitang makita baka mapatay kita! Di ako magkikiming patayin ka kahit pinsan kita." Nanggagaliiting sabi ni Lysander.

Mr. Asul spread his two hands both sides.

"Go ahead, im here at your disposal."

Tumawa si Mr. Asul ng hindi gumalaw si Lysander.

"I know you can't, i know why,  because you treat me like a brother and a father. Ako ang nagsilbing tatay mo nong nakulong ang ama mo . Ako ang nag alaga sayo. Ako ang gumawa na dapat sana ay gawain ng ama mo,  pero ano?  Pinatay niya ang mama mo dahil ano?  Dahil nalaman niya na galing siya sa sinumpang pamilya? Ha?!  Ganon ba?! Kaya ba ngayon nahihiya kang sabihin diyan sa babaeng yan naparte ka ng isumpang pamilya??!!" Galit na galit na eto.

Nakatitig sila sa isa't isa, na para bang kapag may maling galaw ang isa ay handa namang susugod ang isa.

"Bakit Sander?! Bakit?!! Hindi naman natin ginustong maging ganito tayo ha?! Hindi naman tayo ang pumili nitong buhay na to!  Pero bakit?! Bakit?!!"
He cried. Nag uunahan ang mga luha neto sa mata.
"Bakit sa tuwing sasabihin natin sa mga mahal natin sa buhay dumidistansiya agad sila?!! Tayo ba ang gumawa netong lintik na kamalian nato?! Tayo ba?! Kaya ikaw?" Dinuro niya si Lysander. "Huwag kang magpakasaya dahil alam kong kapag malaman niya lahat, aalis din siya. Tulad niya."

Umiling lang si Lysander.

"No, Renan. Hindi ako magiging katulad mo."

"Sige maniwala ka lang. Ganyan yan sa umpisa."

The Island's SecretWhere stories live. Discover now