Maaga silang umalis para mamasyal since di ako part ng lakad nila kaya heto andito ako sa resthouse.
Nasa living room ako ng makita ko si Nay Beth.
"Nay Beth!" Tawag ko sa kanya na siya namang ikinalingon niya sakin, kumaway naman ako at ngumiti ginantihan naman niya eto ng ngiti.
"Oh anak, magandang umaga, nga pala may pagkain na sa hapag kumain kanalang ha? May gagawin pa kasi ako, at nga pala. Sabi ni Sir Sam, huwag ka daw gumala wala kasi sila umalis na at namasyal."
Tumango nalang ako kay Nay Beth,
Nang wala na sa si Nay Beth, kumain na ako.Napaisip ako ng malalim nang naalala ko ang nasa ilalim ng kama sa kwarto na pinapasukan ko.
Tinapos ko muna ang pagkain at hinugasan ang kinainan ko.
Nilibot ko ang bahay nato.
May magagandang paintings, mamahalin chandelier. Hinanap ko si Nay Beth para magtanong tungkol sa kwarto nayon at sa susi.
Nahanap ko si Nay Beth sa may hardin, napanganga ako sa nakita ko.
Wow! Ang ganda naman dito.Kung pagmasdan mo ang hardin para kang nasa paraiso.
May daan sa gitna, na siyang pinalibutan ng hanging plants, sa left at right may fountain.
May ibat-ibang kulay ng rose at ibang bulaklak na siyang mas ikinaganda neto."Oh! anak andito ka pala? May kailangan ka?" Tanung ni Nay Beth.
"Ahm, Nay nasaan po ang susi ng tinutuluyang kwarto ko?"Napakamot siya sa batok niya.
"Ah, yan ba iha? Di ko alam eh, pasensiya na. Di kasi kami na kakaakyat sa taas, bilin ni sir Sam samin. Siya kasi ang may hawak niyan, ang hawak kung susi ay sa kusina, sa gate at likod-bahay lang. Bakit anak may gusto ka bang buksan?"
I just nod.
"May cabinet kasing ayaw ma open doon Nay eh. Curious lang po. Sige po, gagala ulit ako total wala naman sila dito eh."
"Nako anak, binilin sakin ni Sir Sam huwag kang umalis sa bahay. Kasi kahapon aligaga yun eh. Nag-alala sayo yun."
Tumawa lang ako at niyakap si Nay Beth."Nay promise, di na ako mawawala nalibot ko na pong isla kahapon kaya alam ko na kung saan ako pupunta, kaya please po?" Nag plead pa ako niyan at nag puppy eyes.
Umiiling naman ni Nay Beth.
"Hala sige na, humayo kana baka maabutan kapa ni Sir, yari tayo"
I kiss her on cheek."Thanks Nay."
At lumalikod na .Kinuha ko na ang bag ko at camera.
Napalingon naman ako sa may kama, soon.
Malalaman ko din kung anong misteryo nakapaloob sayo.----------+-----------------
Since nakagala na ako kahapon, pumunta ako sa baybay dagat. Alam ko na pasikot-sikot dito, mababait naman ang tao dito.Nang marating ko ang destination ko, I sigh, such beauty it is.
How waves play along the sand. Breeze of air touching my face.Umupo ako at inilabas ang laptop ko, and start writing my stories.
Mabuti dito walang istorbo, payapa.
Tinitipa ko ang laptop ko.
Mga ilang minuto, may narinig akong isang tili malapit dito.
Agad akong napatayo,
Ano kaya yon?And my curiosity kills me, pinasok ko ang gamit ko sa bag at hinanap ang pinanggalingan ng tili.
Sukbit ang bag nasa may leeg ang camera ko.
May narinig akong hikbi sa di kalayuan.
Nang marating ko yun isang kahindik hindik ang nakita ko.
Umiiyak ang isang babae na aninoy na shock ito sa nakita.
Nakita ko ang isang bangkay na halos di na maaninag ang mukha.
Mapatakip ako ng bibig. Hindi mo makita kung buhay ba eto o patay na dahil wala na itong balat. Puno nang dugo ang mukha na umagos pa sa ilang parte nang mukha.
Kita ang matang halos lumuluwa.
Madaming galos sa katawan. Bali na ang buto sa kamay at paa.Napamura ako ng mahina.
"Miss, let's report this to the police." Lumingon ang babae sakin. Sa kabila nang kanyang pagkabalisa ay lumapit siya sa akin.
"Please tulongan mo ako." Umiiyak na sabi niya.
"Tulongan mo siya. Sinabi ko naman sa kanya na umuwi na kapag alas 8 na ng gabi. Pero ang tigas ng ulo niya. Please." Hagulhol na wika niya.I nod.
"Let's go, will find help." Tinipa ko kaagad ang number ng pulis sa islang to. Buti isinave ko kahapon noong naggala ako sa may bayan.Umiling siya sakin, niyugyog niya ako.
"Help him now! He's still breathing!"
Napalingon ako sa bangkay. Buhay pa yan sa lagay nayan?
Seryoso to? Ni halos di na maaninag ang mukha. Tiningnan ko ulit ang nakahandusay, humihinga pa eto.Nilapitan ko eto, pero di ko siya mahawakan. Kahit na ba wala na itong mukha, bumuka ang bibig neto at may sinabi.
Di ko narinig ang sinabi niya, lumapit pa ako sa kanya , inilagay ko sa may bandang bibig niya ang tenga ko.
"M-m-m-mur-murde-murder. Pa-patay-in n-ny-a a-ko, um-al-is n-a k-aay-u." At umubo pa eto ng dugo.
"Who? Who will do this to you? Do you see its face?" Umiling eto ng kunti.
Hindi? Edi, sino?"I-san-g lal-aki, h-uwa-g ka-yo-ng pab-aya. S-ika-t s-iy-a sa isl-a" nahihirapang sabi niya.
"Sino siya?! Sabihin mo?! Nang mapanagot natin ang gumawa neto sayo?!" Ngayong alam ko na kung ano ang babalaghang nangyari sa isla. Dapat maging double ingat.
Sino kaya eto?
Takte?!"S-i ss-i" umubo pa eto ng maraming dugo at nahirapang huminga. Umiiyak lang ang babaeng , kasintahan niya siguro.
"Please Nate! Live! I can't leave without you! Pleeeeaase! Paano na ang magiging anak natin?! D*mn you! Don't leave me, moron!"
"Si-s-i S-" nalagutan nadin eto ng hininga.
Napapikit nalang ako ng mariin.Nagwawala naman ang kasama ko dito.
I hug her just to comfort her.
Alam kung masakit ang nangyari sa kanya pero wala na akong magagawa.
Buti nalang may nahanap akong signal pahirapan din dito kasi ng signal.Tinawagan ko ang pulis,
Kinuha naman nila ang bangkay, habang si Elaine umiiyak pa rin.Sino ang walang pusong gumawa neto? Pati walang kasalanang tao pinapatay. Napatunayan ko na hindi multo ang may kakagawan neto, kundi, SINO?
Anong motibo niya at ginagawa niya eto?
Napabalik ako sa isip ko nang lumapit ang Chief Inspector sakin.
"Ms. Cleo Sebastian? Pwede ka bang sumama samin sa presinto?"
Tumango nalang ako bilang sagot.
Nang makarating kami sa presinto tinatong nila ako ng ilang katanungan at pinakawalan.
Under investigation naman si Elaine since she was the one who first found the body of Nate.
Umuwi nalang akong lutang, wala sa sarili, what kind of place is this? This supposed to be a resting place.
Resting?
May idea sumagi sa isip niya kung tama ang hinala ko na ganito ang lugar na eto.
Isa namang tanong ang lumitaw sa isipan niya,
Bakit tuwing gabi lang ito pumapatay, at kung sino man ang lumabas sa gabi ito ang pinapatay? Bakit? Sino naman ang gumagawa nito sa mga taong walang kamalay-malay?
Kailangan kung malaman, kailangan, anong mysteryo ba ang nangyayari sa Islang to?
----------------------------------------
Ayan na nagsisimula nang maghasik ng lagim.
Ayan kasi huwag gumala kapag gabi na.
Baka may mumu sa daan, o di kaya rapist.Hahaha stay tune po.
YOU ARE READING
The Island's Secret
DiversosAng isla Dibandala is far from civilization, lahat ng tao dito ay matutulog na agad pagsapit ng alas 8 ng gabi. Sabi pa sa mga matatanda kapag ikaw ay narito sa isla ay dapat matulog ka na o nasa bahay lang kapag pumatak na ang oras sa alas 8 ng g...