Chapter 20

125 6 1
                                        

A/n: Dalawang chap ang i uupdate ko. Rd eh. Gumagana yung utak ko.

Hope you all like it.

Enjoy!

-------------------------------------------------
Umiiyak pa rin hanggang ngayon si Nay Beth habang ikinikwento ang nangyari kay Mishia. Ang batang gusto akong ilayo sa pahamak, now, i got her point, she didn't try to scare me but its the another way around. She try to save me from those killers. Ayaw niya akong mapahamak.

"Alam niyo po ba Manang Beth.  Nakikita ko po si Misha?"
Tumigil ito sa paghikbi at tumingin sa akin.

"Na-nakikita mo anak ko?" May ningning sa mata ng matanda habang nagtatanong sa anak niya. Mahal talaga ng mga Nanay ang mga anak nila kahit pa patay na eto.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Saan?  Saan mo siya nakita? Nakausap mo ba siya? Anong sabi niya? "

Sunod-sunod na tanung ng matanda sa akin.

"Nakita ko siya sa abandonadong hotel.  Noong hinanap namin si Jane. She give me a warning not to go inside. She did this to me. " Pinakita ko sa kanya ang parang may kalmot sa braso ko.

"A-ang anak ko,  gusto ko siyang makita.  Pakiusap anak, puntahan natin ang hotel na yun."

"Kahit masakit pupunta ako sa lugar na yun. Kahit pa doon siya pinatay. Gusto ko siyang makausap. Matagal na kaming nangungulila sa kanya." Sabay yugyog pa ng balikat ko.

"Hindi na po kailangan Manang,  hindi po tayo pupunta doon."

Pinahid ng matanda ang mga luha sa mata.

"At bakit anak? Natatakot kaba sa kanya? "

Tanung pa neto sa akin.

"Hindi po,  hindi na kailangan pang pumunta doon dahil nandito po siya. Sa kwartong to. "

Napasinghap nalang ang matanda sa sinabi ko. Linibot neto ang tingin sa kabuoan ng kwarto.

"Wala akong nakita. Wala. Asan siya?"

"Nasa tabi po natin ngayon nakatayo."

Ngumiting may luha sa mata si Nay Beth.

"Misha anak,  a-anak ko.  Andiyan ka ba? "
Humahagulhol ang matanda.
"Anak miss kana namin ng Tatay mo. Anak patawarin mo si Mama at Papa mo ha? Hindi ka man lang nailigtas ni Mama. Kahit hindi mo kami papatawarin, ok lang,  kasalanan din namin lahat kung bakit nawala ka sa amin."
Tuloy sa pag agos ang mga luha neto habang nagsasalita.

"Huwag kang mag alala bibigyan namin ng hustisya ang pagkakamatay mo, nak.  Para matahimik ka na."

Tumingin ako sa walang emosyon mga mata ni Misha habang nakatuon pa rin ang mata sa inang lumuluha. Lumingon ito sa akin ng puno ng sakit.

"Diba sabi ko sayo,  umalis kana. Huwag kanang pupunta pa sa lugar na yun.  Pero anong ginawa mo! Hindi pa ba sapat ang pananakot ko sayo para umurong ka nalang at walang gagawin!  Ha?! "

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya.

"Gusto ko lang naman nalaman ang kababalaghan dito eh. Kaya hindi ako sumoko,  gusto ko ring malaman ang nangyari sayo."

Nakatulala lang si Nay Beth sa akin.

"Bakit maibabalik mo pa ba ako na buhay kapag nalaman mo ang nangyari sa akin?! Babalik pa ba ako sa mga magulang ko?! Hindi diba?!  Kaya nga kita tinataboy para hindi ka magaya sa akin at matulad sa mga kaibigan mo?!"

The Island's SecretWhere stories live. Discover now