Chapter 13

143 5 0
                                    

Someone's pov

"Anong sabi nila? Nasayahan ba sila sa surpresa natin?" Tanong ko sa kasama ko pero blangko lang ang mukha neto.

"Girls cry a lot. Tuloy parin ang imbestigation patungkol sa patayan na siyang gawa mo." I take a glance of him.

"Come on. I know you enjoy it." He just shrug. Hinaklit ko agad ang kwelyo niya at pinanlakihan ng mata.

"Don't tell me your going to back down? Ngayon na malapit na natin silang maubos ngayon kapa aatras at naduduwag?"
Umiling lang siya.

"Just dont touch **** and were fine" Tumalikod sa akin.
Ngumisi nalang ako.

"Let's  see what I can do."
-----------------------------------------
Cleo's pov

Naghihintay kami sa resulta ng autopsy ni Jane at Ria.
Hindi ako bumalik sa bahay mas delikado doon mas safe kami dito.

"Anak magpalit ka muna saka kumain, oh dinalhan kita ng damit mo." Napataas ako ng tingin at nakita si Nay Beth. May malungkot na ngiti sa kanyang labi.

"Salamat po." Kinuha ko naman agad ang damit at dumiretso sa cr.

Natutulog ang dalawang babae dahil na din siguro sa pagod sa kaiiyak. Ang mga lalaki naman ayun sa mga pulis naghihintay sa resulta.

Habang nagbibihis ako, nakapag isip-isip ako. Ano kaya kung di kami sa isla nato napunta? Sigurado buhay pa sina Jane at Ria. Alam kung uubusin kami ng pumapatay dito. Sumagi sa isipan ko ang nadatnan ko noong papunta ako sa hotel para mag imbestiga.

May kinalaman ba si Lysander dito? Pero paano? Bakit? Kaibigan niya kami ha?

Susundan ko siya kahit saan siya pupunta. Kahit na manganib na ang buhay ko.

Pagkalabas ko sa banyo siya namang nagbukas ng isang pinto at pumasok ang apat na lalaki. Sina Michael at Sam, sumunod naman si Josh at Stan.

"Oh, ano daw?" Sabi ko.

"Pinapunta kami dito ni Detective para sabihin ang resulta, maya maya andito na yon. Gigisingin ko lang si Andy." Stan. At lumapit siya kay Andy, hinalikan neto ang noo. Nagmulat naman ng mata si Andy at umayos ng upo. Ganon din ang ginawa ni Josh.

Lumapit naman ako kay Michael na kanina pa tahimik.

"Ikaw, bat wala kang kibo dyan?"
Siniko ko pa si Michael. Umiling lamang eto.

"Parang kahapon lang kasama ko siya. Tinanong ko pa siya kung pwede akong manligaw umoo naman siya. Pero dahil sa tawag na yon umalis siya at di na bumalik. Tapos nalaman ko ang nangyari sa kanya? Bakit? Ano bang kasalanan natin at napunta tayo sa sitwasyong to?" Tumulo na ang luha niya. Bigla niyang winaklit si Sam at sinuntok.

"Alam mo to no?! Alam na alam mo?! Gusto mo kaming mamatay dito kaya pinasama mo kaming lahat?! Bakit?! Ha?! Bakit mo kami pinapunta dito? Sabi mo mag eenjoy kami dito?! Pero putcha?! Namamatay kami dito?!" Sinuntok pa rin niya si Sam, inawat na siya nila Josh at Stan. Pumunta naman ako sa lugar ni Sam at pinatayo.
Tiningnan lang ni Sam si Michael nang malamig nakakakilabot na tingin.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Huwag kang mambintang ng walang patunay! Dinala ko kayo dito kasi mag eenjoy naman tayo dito eh! Pero diba binalaan na kayo namin, na huwag lumabas kapag lagpas alas otso na nang gabi! Naniwala ba kayo? You thought that was a joke?!" Tinuturo niya pa si Sam na aakmang susugod sana kay Michael pero pinigilan ko.

"Tama na! Pwede ba?! Di kayo nakakatulong sa sitwasyon ngayon kung nag aaway kayo eh?! Dapat nga sama sama tayo dito, kaya huwag puro away ang abalahin niyo!" Sigaw ko sa kanila. Napatungo naman silang dalawa.

Dinala ko sa gilid si Sam at kinuha ang aid kit. Nilagyan ko ng bulak at betadine ang gilid ng baba niya at umigik naman siya.

I sigh, "Ano bang pumasok sa kukute niyo eh."
Tumingin naman siya sa akin napara bang nag sosorry.

"Di ko naman kasalanan diba? I warn them. But their hard headed as fuck?! Ayaw maniwala ngayon nangyari to kasalanan ko?! Oo dinala ko kayo dito para mag relax. Yun lang." Hinaplos naman niya ang pisngi ko. "Huwag kanang magalit please?" Susumamo niya.

"Basta sa susunod huwag na tayo mag away away." Tumango naman silang dalawa. Nag fist bump pa.

Bumukas naman pinto si Sander. Saan to galing?

"Saan ka galing? Ba't di ka kasama ng mga to?" Napagawi ang tingin niya sa akin.

"The results are here," niluwa din ng pinto si Detective Asul.
Umayos naman kami ng upo, umopo sa kabilang gilid ko si Lysander, bigla akong kinabahan. Sh*t!

"Atleast your all here, Sasabihin ko sa inyo ang results nina Jane at Ria." He paused and look at us, huminto naman ang tingin niya kay Lysander. Tinaasan lang siya ng kilay neto. Umiling lang si Detective. At nagpatuloy sa sasabihin neto.

"As what we saw in both Jane and Ria case is. Iisa lang pumatay sa kanila, which means kahit iba iba ang paraan kung paano sila pinatay. It's the same person who did this to them. The same person also who kills everyone here. Nung wala pa kayo may mga kasong katulad neto. May iilang buhay pa pero mamatay agad at kahit anong test ang gawin namin we can't find a hand print of the killer. Yan lang muna ang masasabi namin sa inyo. Ang ilan ay confidential." Detective.

"So hindi parin kilala kung sino ang pumatay kay Ria?" Tanung pa ni Michael.

"Unfortunately we dont have lead about this. Pero lahat ginagawa namin sa imbestigation nato." Tumango naman si Michael.

"Paano po kung iisa isahin kami ng killer nayan?! Lahat kami lumabas ng lagpas alas otso?!" Sigaw ni Step. Na natatakot na.

Lumaki naman ang mata ni Detective Asul.

"You're saying all of you," turo niya sa amin lahat. "Lumabas ng lagpas alas otso?" Di makapaniwalang sabi ni Detective.

"Nope, hindi kasama sila Sam, Cleo at Sander." Sabi ni Josh.

Napahilamos naman si Detective Asul.
"Kaya kayo ang puntirya niya at iniisa isa kayo dahil lumabas kayo ng bandang alas otso. May papuntahin akong mga kasama sa bahay niyo para bantay sa inyo. All of you are undersurvellance, understand?" Tumango eto at umalis sa harap namin. Agad ko naman sinundan si detective.

"Sandali detective!" Huminto naman siya at lumingon sa akin.

"Oh, Miss Sebastian."

"Detective pwede ko bang itanong kung ano yung confidential?" Umiling lang ito.

"Hindi pwede Cleo and you know why." Tumango agad ako.

"Pero please sabihin niyo po sa akin kung ano yun? Tumulong naman po ako sa imbestigation diba po? Saka parte po ako ng team niyo, diba may karapatan din akong malaman kung bakit?"
Nagdadalawang isip pa siya pero sa bandang huli sinabi niya bumuntonghininga muna siya. Tumutig sa aking mata.

"Ok since your part of my team. Pero huwag mong sabihin ha?" Mabilis naman akong tumango.

"Since masyadong brutal ang pagkakamatay nila, ang lumabas sa autopsy, lasog lasog na ang mga laman nila. Ang laman nila ay may kasamang lubid at alambre sa loob. May ganitong kaso din nito noon. Pero matagal nayon, yun ang pinagtataka ko eh."
Mahabang paliwanag niya.

Bigla naman dumagundong ang dibdib ko.

"Ano pong kaso yun?" Tanung ko.

"Gusmano Case" Naistatwa ako sa sinabi niya?
Did he say Gusmano?

Namutla ako sa sinabi niya.
-------------------------------------
a/n: Ayan na ayan na.
Halaaaa. hahahaha.

btw, enjoy reading

The Island's SecretWhere stories live. Discover now