Cleo's pov
Sa nangyari samin para kaming di makakilos sa loob ng bahay. Para bang may nagmamasid sa amin kahit wala naman.
Andito kaming lahat sa sala nagtitipon.
Kinocomfort ang isa't-isa,
"Anong gagawin natin ngayon?" Ria. Nasa may gilid niya si Michael na siyang naghahagod ng likod neto para kumalma.
"Hindi tayo maghihintay nalang sa susunod, kailangan kumilos tayo paano nalang kapag sumugod eto sa atin, wala tayong laban, dapat paghandaan natin eto." Sabi ko sa kanila na may pinalidad na boses.
"How?" Tanung pa ni Andy.
"Can you see what it can do to us?! I can't even take a glance of Jane's heart?!" Hysterical na sabi ni Andy."Kaya nga, mas lalo tayong magmatyag, hindi natin alam nasa paligid lang natin siya nagmamasid. Hinihintay kung kailan tayo kakain sa patibong niya." Sabi ko pa.
Wala namang nagsalita kahit isa. Inilibing namin ang puso ni Jane sa may likod bahay nila ni Sam.
Kanya kanya kaming punta sa kwarto namin.
Hinablot agad ako ni Lysander sa isang sulok.
Tinitigan ako neto na para bang binabasa ako. Ano bang problema neto?"Next time be careful of what your words. They might hear you." Aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.
Ano daw?Ang weird talaga neto kahit kailan.
Nagkibit balikat lang siya. Pumasok na siya sa kwarto niya.
Pagkatapos ay lumusong siya sa kama. Naalala naman niya ang batang yun. Sino ba kasi yun?
Bakit siya lang ang nakakakita doon? Bakit ayaw netong papuntahin siya sa abandonadong hotel nayon? Doon ba yun pinatay? Napabalikwas siya ng bangon at nagtungo sa ilalim ng kama.
Agad niyang binuksan ang nakatago doon.
Tiningnan niya ang larawan.
Wala naman iba maliban sa isa itong larawan ng pamilya.Di kaya may kaugnayan din eto sa nangyari dito imposibble naman yun, ni hindi nga niya alam kung bakit eh.
Ni lock niya muna ang pinto at kinuha ang maliit na kahon doon sa ilalim ng kama.
Tanging larawan lang na eto ang nandoon, pero bakit? Pwedeng namang ilagay to sa picture frame diba?
Ilalagay niya sana ang larawan, ng napatingin siya sa kahon, parang may bukol doon.
Kinapa niya eto at tama nga ang hinala niya may laman eto bukod sa larawang hawak niya.
Tumalima naman siya at kinuha niya sa backpack niya ang maliit na kutsilyo. Pupunitin niya sana gamit ito pero nakita niya may maliit itong sebidora kaya inilagay nalang niya sa gilid ang kutsilyo at pinagtuunan pansin ang kahon.Dadahan dahan niya kinuha ang laman sa loob. Ingat ingat siya at ng nakuha na niya eto, mga magazin etong punit punit at may iilang news paper may iilang din sulat at ano to?
Isang crest.
Hindi eto basta bastang crest may simbolo itong isang agila na pinapatay ang isang uwak sa ilalim niya.
At bukod doon luma na ang crest na eto at malalaman mong mamahalin agad eto.
Ipakita niya kaya kay Sam eto?
Umiling siya hanggat maari walang makakaalam neto.
Napabalik ang tanaw niya sa mga sulat at magazin.
Una niya kinuha ang magazin.
Larawan eto ng isang lalaki banta niya nasa edad 30 na to nakangiti eto sa larawan habang may trophy nahinahawakan.
Binasa niya eto.
"June 24, 1897, Si Ginoong Guzmano ang nakatanggap ng parangal sa isang kilalang taga pagparangal para sa mga taong may mabuting kalooban. Si Ginoong Guzmano din ang may ari ng hotel na bagong tayo sa isla Dibandala kung saan libo libong mga turista ang pumunta sa probinsiya para masilayan ang ganda ng islang eto. Bukod dito ay mapagkakawanggawa si Ginoong Guzmano at maawin sa kapwa. "
Agad naman niyang kinuha ang isa pang magazin. Larawan parin eto ng sinasabing Guzmano. Nakaupo eto sa hood ng kotse. Wow, he look like a freaking model huh?
Ano ka ba?! Larawan pinagpantasyahan mo?!
"Sa di inaasahang pagkakataon, bigla nalang namatay ang kinikilalang bayani sa isla Dibandala kung saan namatay ang pinakamamahal na si Ginoong Guzmano. Nakita nalang eto sa loob ng kanyang silid nabangkay na. Hindi pa malaman ng utoridad at pulis kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing bayani.
Wala naman etong kaaway mabait eto sa lahat pero bakit bigla nalang etong nawala sa mundong ibabaw.?"Namatay na to?
Ang sinunod na kinuha niya ay isang larawan ng kwarto kung saan magulo kung saan saan napupunta ang gamit. Pero parang familiar sa kanya ang kwarto.
Tiningnan niyang mabuti ang kwarto kahit na magulo eto parang nakita na niya eto sa kung saan.
Bigla nalang lumaki ang mata niya.
Umalis sa kama at nilibot ang tingin sa buong kwarto.
Sh*t?!
This isn't good.Tiningnan niya uli ang larawan at ang kwarto niya, sumakto eto sa larawang hawak niya. Bigla nalang siya nanginig, kung palinisin neto ang kwarto na nasa larawan ay ganoon ang maging lawaran ng kwarto niya sa larawan.
Kinabahan siya bigla,
Sh*t!
Eto ang kwarto kung saan namatay si Ginoong Guzmano?!Tiningnan niya pa ang iba pang larawan ganoon parin ang nakikita niya sa larawan, larawan parin eto ng kwarto pero iba't- ibang tao ang nasa larawan. Binasa niya ang caption ng mga eto.
Mas lalo siyang namuti at di makahinga ng maayos sa nabasa niya.
Bawat taong titira sa kwarto nato ay MAMATAY?!!!
Pinagpatuloy niya ang binasa kahit naba kinakabahan siya.
"May nakapagsabi na ang kwarto eto kung saan namatay ang naturang bayani ay isang haunted, bukod sa palaging namamatay ang natutulog dito ay mga naririnig silang kakaiba dito naanimoy pinapaalis ang mga taong titira sa kwartong eto. Hindi pa ba tanggap ng kaluluwa ng naturang bayani ang pagkamatay niya? Kaya nagmulmulto eto?"
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa nabasa niya, bakit ako?
Naalala niya si Sam at sa sinabi neto, Because it's suit you like a princess.
Pero parang di naman neto alam. Sa kanila daw etong bahay nato generation from generation.
Ibig sabihin alam neto ang nangyari sa kay Mr. Guzmano?
At kung ancestor man niya eto bakit iba na ang apilyedo neto sa kay Mr. Guzmano?
Gaga! Paano kung ang Nanay ni Sam ang kalahi ng mga eto?
Oo nga pala.
Tiningnan niya ang larawan neto at ang unang larawan na nakita niya.
Nandoon si Mr. Guzmano sa picture pero bata pa eto.
Ano ba talaga ang kwento dito?
Napahilis ang mata niya sa tinitingnang larawan.
May lumipad kasi na picture,
napatingin siya sa baba.Bumalik ang kaba sa dibdib niya na siyang unti unti niyang pinapatay.
Para bang nakipaghabulan siya sa pagtaas baba ng hininga niya.
Pilit niyang pinagtagpi tagpi ang mga nangyayari.
Ano ba talaga ang koneksyon mo sa nangyayari Mr. Guzmano at sa
kay Mishia?
---------------------------a/n: Hi there again fellas.
Sorry if natagalan ako sa pag update.
But anyways, here it goes.Enjoy reading!
#curiosity kills the cat 👻👻👹👹👿💀🔪🔪
YOU ARE READING
The Island's Secret
De TodoAng isla Dibandala is far from civilization, lahat ng tao dito ay matutulog na agad pagsapit ng alas 8 ng gabi. Sabi pa sa mga matatanda kapag ikaw ay narito sa isla ay dapat matulog ka na o nasa bahay lang kapag pumatak na ang oras sa alas 8 ng g...