Chapter 15

135 5 0
                                    

Cleo's pov

Balisa si Step pagpasok ko sa kwartong pansamantalang tinutuluyan namin. Pagkakita niya naman sa akin nilapitan agad niya ako, hinawakan sa magkabilang braso.

"Cle, si Michael." Nanginig na sabi niya.

"Bakit?" Tanung ko sa kanya.

"Wala si Michael dito, kanina pa nila hinanap eh." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ano?!" Agad akong tumakbo palabas.

"Cleo come back here?!" Sigaw na sabi ni Step. Pero di ko pinansin.

Ano nanaman ba to?! Sunod sunod nalang ba ang problema namin?!
Iisang lugar lang ang agad na pumasok sa isip ko. May nakita akong bisikleta agad kung kinuha eto.

Nag padyak lang ako hanggang sa nakarating naman ako sa hotel.

Oo, hotel.

Nilagay ko sa gilid ng kalsada ang bisikleta at tumakbo papunta sa hotel.

Binuksan ko ang pinto, nag creek pa eto bago sumara.

"MICHAEL! ANDITO KABA?! MICHAEL?!!!!!" Lakad takbo ang ginawa ko. Inikot ko ang buong bahay.

Pero wala.

Wala.

Napaupo ako sa sahig. Hindi ako iyaking tao pero sa nangyayari parang gusto ko nang umiyak.

Napahagulhol nalang ako,

BLAG!!

Napatingin ako sa pinto ano yun?!
Nilapitan ko ang pinto,

Sh*t?!

Ayaw mabuksan?! Nilikot ko parin, nahihirapan na rin akong huminga.

Tiningnan ko ang paligid.

Biglang namatay ang ilaw sa paligid.

"SINO KA?!!! MAGPAKITA KA?!!! HINDI YUNG NAGTATAGO KA?!!" Sigaw ko nangangatog na ang tuhod ko sa takot.

Sa gilid ko sa kaliwa may nanalaytay na malamig na bagay, agad akong napapikit. Binugahan ng hangin ang tenga ko.

Kahit na nanginginig ako sa takot liningon ko eto ng dahan dahan.

Tumili agad ako sa nakita ko.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Agad akong lumayo dito napaupo ako sa sahig na nakatitig sa kanya.
Isa etong may edad na lalaki di ko makita ang mukha pero alam kong disfigured eto. Maputla ang balat na naaagnas. Tiningnan ko ang katawan neto mula paa hanggang ulo. Wala na ang ibang daliri sa paa neto. Ang suot neto ay isang kaki shorts na may butas na. Ang damit neto ay puti na halos di makilala dahil sa putik.

Ang kamay neto ay may iilang dugo, napunta ang tingin ko sa bandang leeg niya may laslas eto, at sa mukha niya halos di na makilala pero parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na eto sa kung saan.

Lumaki ang mata ko sa naalala ko.

Tumingin ako dito nasiyang ikinangisi niya. Kahit lungayngay na ang leeg niya.










"Mr. Gusmano." Halos bulong ko.

Ngumanga eto at sumingaw na parang nasa ilalim nang lupa nagmula.
Nasindak agad ako.

Isang pilik mata ko agad etong nasa harap ko!!

At sinasakal ako, I choke. He pinned me against the wall. Lumaki na ang butas ng ilong ko, hindi na ako makahinga. He's nails are digging on my flesh which I cringe.

Napasinghap nalang ako sa sakit. Kumapit ako sa kamay niyang nakahawak sa leeg ko. Nahihirapan na akong huminga, paano siya nakahawak sa akin? Isa na siyang kaluluwa?

Base sa nababasa ko kapag nakakahawak ang isang kaluluwa sa may buhay, ay masama itong kaluluwa dahil sa malakas na enerhiyang galing dito pwede sa galit, o dahil sa poot. Bago sila namatay.

Nahihirapan na akong huminga. Naalala ko ang binigay ni Nay Beth kanina sa akin. Kahit na ba nahihirapan na ako. Kinuha ko eto sa bulsa ko at itinuon ko sa mukha niya.

Napaso naman siya kaya nabitawan niya ako. Sumigaw naman siya sa sakit at nawala. Napaubo ubo ako, at kumukuha ng hangin. Hinihingal pa rin ako, agad akong napatakbo sa labas asan ka ba pinto. Nang nakita ko eto lumabas ako ng walang lingon man lang sa hotel.

Pero di niya nakita ang nakatayong tao sa may bintana na tinatanaw siya sa malayo.

Agad siyang sumakay sa bisikleta at nagpadyak papunta sa bahay nila Sam.

Hindi niya initindi ang sugat niya sa leeg.

Natanaw niya ang bahay, pero maraming tao dito. Hininto ko ang bike sa tabi. Ang mga nakakita sa akin ay napapahinto di kaya napasinghap, at napanganga.

Nang nakita ko si Detective lumapit agad ako dito. Tinawag ko siya, may mga kasamahan siya pero wala akong pakialam.

Paglingon neto ay lumaki ang mata neto.

"F*ck Cleo?! What happened to you?! You look like sh*t?!" Sabi neto.

Agad na lumapit ang mga eto sa kanya. Nag aalala ang mga mukha neto. Inaalalayan naman siya neto.

"Saan ka ba galing?! Ba't ka nagpunta dito?! Alam mo namang delikado eh?!" Sermon pa ni Detective Asul.

Napatungo ako sa katawan ko.
May mga galos ako sa kamay ko. Mula sa kaliwang braso ang sugat hanggang sa kamay ko, isa etong malaking kalmot. Pero dumudugo eto. Bakit di ko naramdaman eto?

Aligaga sila sa kakaasikaso sa akin.

"Ano ba talagang nangyari ha?!" Sam

"Let me see f*ck it?! She's hurting!" Lysander.

Pinigilan sila ng ilang tauhan ni Detective. Tanging si Renan lang ang nakalapit sa akin.

Hindi ako nagsalita habang nililinisan nila ang sugat ko. Napaigtad ako, tinungo nila ang leeg ko. Napunta naman ang kamay ko sa leeg. Napangiwi ako kasi may ilang dugo pang lumabas doon.

Napailing nalang si Renan.

Pagkatapos ng ginawa nila, lumapit sa akin si Renan. At umupo sa tabi ko. Nakarating na kami sa ospital, sinugod nila ako dahil sa mga sugat ko.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Gusto mo bang magkapamatay? Ha?! Tingnan mo ang sarili mo hindi ka nakakatulong sa sitwasyon?! Kung balak mong mag suicide huwag muna ngayon." Pagsumbat neto sa kanya.

She chuckle, "What for? Hindi ako ganung klaseng tao Detective, kung magpapakamatay man ako, sisiguraduhin kung patay ako. Hindi ganito." Sabi ko sa kanya.

Tumitig nalang siya sa akin.

"Saan ka ba galing? Saan mo na pulot ang sugat na yan? Nadapa kaba? Na disgrasya?" Tanung niya ng sunod sunod.

"Maniniwala ka bang galing akong hotel?" Napahinto siya sa sinabi ko.
"Anong ginagawa mo doon? Ba't ka nandoon? Alam mo naman sigurong doon mo nakita ang mga bangkay diba?!" Gigil na sabi niya sa akin.

Tumango lang ako. Napabuntong hininga nalang siya.

"Sino ba ang may gawa neto sayo?" Turo niya sa mga sugat ko.

"Si Mr. Gusmano." Na blangko ang mukha niya. At agad lumaki ang matang tiningnan ako.

"ANO?!!!!!!"
---------------------------------
A/n: hey folks! Im alive again.
Salamat po sa nagbabasa sa story na to. Salamat po ng marami. Dahil po sa inyo nakaka rank po eto sa paranormal. Hindi po siya nawawala sa ranking which is kinataba ng puso ko.

Yehey!!

Ayan ha? Huwag basta bastang pumunta sa lugar na ikaw lang nag iisa at di mo alam ang mangyayari.

Enjoy reading you guys!!
Love you all. 😍😍😍😘😘😘💋💋💜💖

The Island's SecretWhere stories live. Discover now