Cleo's pov
Tinawagan ako ni Detective Asul, papunta na daw sila doon sa hotel na pinuntahan namin kung saan nakita namin ang katawan ni Jane. Nagtext ako sa kanyang susunod ako. Kailangan ko munang takasan ang mga tao dito, dinala ko ang dapat kung dalhin.
Walang ingay ang buong bahay siguro dahil tulog pa sila. Maaga pa naman mga alas 6 ng umaga.
I tip toe as I walk pababa sa hagdan hanggang sa kusina, nakahinga ako ng maluwang dahil di ako nakalikha ng ingay.
Palabas na sana ako ng bahay ng mahagip ng mata ko si Lysander na may kausap sa telepono. Naningkit ang mata ko sa nakita at dahan dahang lumapit sa kinaruruonan niya.
"Shut the f*ck up! What if they found out what were doing? There going to f*cking kill me?!" Nagtitimping sabi niya sa kausap niya sa telepono.
"Yeah, just do what you want to do. Bye." Binaba niya ang telepono. Sabay hingang malalim.
Anong ibig sabihin neto?
Sino ang kausap niya? Bakit may kakaibang kutob ako sa kanya? Napailing nalang ako at lumakad sa back door. Doon nalang ako dadaan since may tao sa sala. Kung ano man narinig ko kay Lysander saka nayon ang importante ay ang ngayon.Dumating ako sa lugar, bumalik alaala ang nangyari dito. Lalo na ang batang si Mishia, tiningnan ko ang lugar kung saan ko nakita si Mishia noon subalit wala eto dito.
Dumeritso nalang ako sa loob. May ilan ilan akong nakitang mga pulis sa paligid, tinanguan lang nila ako, ibig sabihin nasabi na sa kanila ni Detective na kasama ako sa pagimbestiga.
Nakita ko sa di kalayuan si Mr. Asul nakakunot ang noo.
He acknowledge my presence."Miss Sebastian glad your here"
Sabi niya.Tumango lang ako, "Ano po ba ang maitutulong ko Detective?" Tanong ko sa kanya.
"Yun na nga eh. Weve got text na andito daw ang next victim but as we search this whole hotel, wala naman." Kaya ba nakakunot noo niya kanina?
"Sino po bang nagtext Detective?"
"We don't know, it's just a number who text us, kahit na sinubukan naming I locate ang numero pero hindi namin kuha." Umiling pa eto.
"I'll try to walk around sasabihin ko lang kung may mahahanap ako." Sabi ko.
"No, hindi ka pwedeng mag isa samahan kita. Delikado sa tulad mong mag isa sa ganitong hotel." Tumango nalang ako para walang gulo.
Naglakad kami kung saan ko nakita ang katawan ni Jane,
Odd, may mga ilaw na sa gilid ng dingding. Nung nandito kami wala namang ilaw dyan ha?"Kayo po ba ang naglagay ng ilaw diyan detective?" Turo ko pa sa ilaw sa gilid.
Umiling naman si Detective."Nang dumating kami dito ganyan na yan kapag tataka nga eh. Kasi ng kinuha namin yong bangkay ni Ms. Robredo wala naman." Sabi niya na patuloy naming nalakad ang pasilyo puno ng ilaw.
Nakita namin ang dulo ng pasilyo. Dead end? Weird.
"Dead end?" Mr. Asul
Tumango naman ako.Paano? Nilagyan nila ng ilaw ang pasilyong to pero dead end naman? That's something. Tumalikod ako sa dingding at humarap sa pasilyo. May kakaiba dito eh.
Anong mapapala nila kung lagyan nila ng ilaw ang pasilyong to samantalang wala namang importanteng bagay dito?
Napagdesisyonan naming umalis na nakaisang hakbang palang ako ng biglang may nag ingay na parang naipit na bagay. Napahinto ako, tiningnan ang paligid, pati si detective huminto.
"Did you hear that?" Tanung pa niya sa akin. Tumango naman ako. Sinubukan niyang tumingin sa paligid tumingin sa dingding sa kesame, wala namang nag ingay.
Nang hahakbang ulit ako nag creek nanaman.
Nagkatinginan kami ni detective sabay lumingon sa paanan ko. Inulit ko pang hahakbang, nagbigay naman ng tunog.
Umalis ako sa kinatatayuan ko.
At binuklat ang carpet, Napasinghap ako. Isang parang lagusan pero natatakpan ng parisukat na tabla na may lock.
Katulad sa kwarto. Isip ko.Kinuha ni detective ang walkie talkie niya at tinawag ang ibang kasamahan namin. Bubuksan ko sana pero lock.
Dumating naman ang kasamahan namin. At napatingin doon sa may carpet. Agad nila sinira ang lock. Nang mag click eto.
Tinolungan nila itong buksan, sumilip kami doon gamit ang flashlight nakita namin ang isang mahabang hagdan.Hahakbang sana ako doon pero pinigilan ako. "Let them in first."
Detective.
Naunang pumasok ang dalawang tauhan niya.
Maya maya sumigaw ang isa napapuntahin kami doon.Agad naman kaming pumasok. May ilan namang nagbabantay sa labas.
Pagpasok namin umalingasaw ang malansang amoy, may iilang ilaw doon para sapat na lumiwanag sa loob.Nang natunton namin ang espasyo sa kwarto. Yung kasamahan namin ang form in a circle. Para bang may tinitingnan. Malansa ang amoy pero kinaya namin. May iilang mga gamit doon for torture purposes.
May ispada, kutsilyo, pisi, kadena at iba pa.
Napailing iling ang ibang kasamahan namin."Boss, confirm eto nga po ang next victim." Sabi sa isang kasamahan namin.
Tumingin naman agad si detective. Napaurong eto sandali at tumingin sakin. Tumaas naman ang kilay ko.
"Bakit? Bat ganyan ka makatingin sa akin?"Ang susunod na sasabihin niya ang kinabigla ko.
"She's one of your friends, diba? Nakita ko siya sa police station were we found Jane's body" Pagkasabi niya, agad akong lumapit.
Para akong mahihimatay dahil sa nakita ko.
Si Ria!!!
"Oh my god." Napasinghap ako.
Puno ng pasa ang katawan neto.
Ang kaliwang paa niya may malaking sugat malapit sa ankle niya na para bang sinadyang sugatan yon para di na siya makatakas at makakalakad. Napadako naman ang tingin ko sa tuhod niya. Nabalian eto ng buto kasi disfigured na.
Sa may tiyan niya may pasa eto kasi may mga bruises at kulay violet na eto. Ang kamay naman niya may ilang baling buto at wala na etong kuko. Sa may leeg niya may ebidensiyang tinali eto sa pisi. Ang mukha niya ay puro pasa, duguan ang bibig may sugat sa kaliwang kilay at may paso eto sa teanga.Di ko namalayan napahagulhol na pala ako kung di pa ako niyakap ni Detective di ko pa nalaman.
Natapos na ang pag iyak ko, sumisinok pa rin ako. Natawagan naman nila ang kasamahan ko at papunta na sila sa police station.
Autopsy naman ang bangkay ni Ria.Di pa nga natapos imbestigahan ang kay Jane kay Ria nanaman?
Ano ba to sumpa? Bakit mga kaibigan ko ang punterya netong killer? Bakit? Anong motibo niya sa pagpatay sa kasamahan ko.Dumating ang mga kasamahan ko, napatitig lang sila sa akin, maga na kasi ang mata ko pati narin sina Step at Andy.
Nagyakapan nalang kaming tatlo. Bakit ba kasamahan namin ang punterya niya? Sino ba siya? Anong kinalaman nila Ria at Jane para madamay sa gulong to?
Yan at maraming tanong ang kailangang mabigyan ng kasagutan. Pero dapat ding mag ingat para kasing nagmamasid lang eto sa amin.
Aalamin ko kahit anong mangyari. Di na ako papayag pati ang dalawang babaeng kasama ko at madamay.
-----------------------------------------------
a/n: Hey there guys.
Ria's dead.Sorry sa wrong typos and grammars. E-edit ko nalang po to if i have time.
Anong kaya ang kaya nilang gawin para di magtuloytuloy ang patayang sa Isla Dibandala.
Anyways, enjoy reading.😍😍😘😘
YOU ARE READING
The Island's Secret
RandomAng isla Dibandala is far from civilization, lahat ng tao dito ay matutulog na agad pagsapit ng alas 8 ng gabi. Sabi pa sa mga matatanda kapag ikaw ay narito sa isla ay dapat matulog ka na o nasa bahay lang kapag pumatak na ang oras sa alas 8 ng g...