Hanggang Kailan

74 2 0
                                    

Sa kantang eto na alala ko ang kahapong kasama ka,
Pero hanggang kailan nga ba ako mag hihintay sa pangakong makasama ka?
Hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan nga ba mawawala ang sakit na aking na darama?
Hanggang kailan ba?

Ang totoo ay umaasa at naghihintay pa rin na ako sanay balikan mo.
Pero tama nga bang umasa sa iyo?
Umaasa pa rin ako OO!
Na maisip mong balikan ako.

Hanggang kailan aasa??
Hanggang kailan mag durusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?
Korus ng kanta.
Kantang paulit ulit na bumabalik sa aking isip at pilit isinisiksik.

Ito ba ay panaginip lang?
Bakit parang ang sakit ay aking nararamdaman?
Sana ako'y magising sa aking kahibangan.
At tanggaping ang kabanatang ating sinimulan ay tapos na at di na madudugtungan.

Hanggang kailan aasa?
Sagot ko sa katungang yan ay hindi na dahil ako'y gising na.
Hanggang kailan mag durusa?
Tapos na ang pagdurusa dahil ngayon ay masaya na.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ang hanggang kailan na tanong ko ay nasagot na hindi dahil sa ako'y nagising sa katotohanang ika'y wala na kundi dahil ang umasa sa isang tulad mo ay wala nang saysay pa.

Hindi na ako aasa.
Hinding hindi na ako mag durusa.
Hinding hindi na talaga.
Kasi tanggap ko na na ika'y nakaraan na.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon