Kung dati rati ay umiiyak palagi,
Pag "tama na ,pagod na ako. Pahinga muna tayo" ang lumalabas sayong mga labi.
Parang sinasakal ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman,
Pero ikaw rin ang nag turo sa akin kung panu ito labanan.Ilang beses na nga ba?
Ilang beses ko na nga bang pinigilan ang pag tatangkang pag iwan sa akin ng luhaan?
Mga kasalanang bumabaliktad at ako na lang lagi ang sasalo para panagutan.
Mga katanungan sa isip ko'y na iwang walang sagot.
Kasi kung aantayin pa kita ay sobra ng nakakabagot.Nakaka pagod alam mo ba?
Mga rason na sinasabi mo sa akin dati ngayon ay hindi ko na naiintindihan.
Sarado na ang isipan puso ay sugatan.
Tama na.
Ako na ang mag papalaya at magbibigay daan para ako ay iwanan.
Wag na wag ka nang lilingon upang kita'y tuluyang makalimutan.Kaya ko na ngayon ang wala ka.
At pinipilit kong wag ng hanapin ka pa.
Kaya ko na ang wala ka.
Kahit ang sakit sakit pa,
Pero kayang kaya ko na ang wala ka.
Naka tatak na mukha mo at alala ay unti unti ng nabubura.
Pasensya na kung kinaya ko ng wala ka.