PINAGTAGPO NGUNIT DI ITINADHANA

59 1 0
                                    

Pinagtagpo ngunit di itinadhana,
Tanda ko pa ang una nating pagkikita.
May nobya ka at ika'y sobrang masaya,
Walang paki sa mga taong nakamasid at tuloy lang ang paghaharutang inyong ginagawa.

Di ka naman ka gwapuhan,
Sadyang karisma mo'y kay lakas lamang.
Seryoso mong mukha,
Kakulitan mo'y sa mata naman nakikita.

Matagal bago mo ako na pansin,
Sa mga araw pa na ika'y lilisanin.
Di ko akalang sayo agad mapapalapit,
Tuloy ngayon ika'y laging nasa isip.

Sa araw na ako'y bumalik,
Nag babakasakaling makita kang muli.
Ngunit sadya nga yatang tayo'y di para sa isa't isa,
Dahil tayo ay pinagtagpo lamang at hindi nakatadhana.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon