Katahimikan

120 1 0
                                    

Buhay kong tahimik
Biglang gumulo ng ika'y umimik.
Sa dating apat na sulok lang ng kwarto ang nakikita ko,
Ngayon buong buhay ko na ang ginulo mo.

Ngiti sa mga labing ikaw ang pasimuno,
Ngayo'y luha sa mga mata'y di matuyo - tuyo.
Mga araw na saya lang ang nararamdaman,
Pumalit naman bigla ay kalungkutan.

Kelan makakamit ang tunay na kasiyahan?
Bakit pag dumating ay pansamanatala lamang?
Pampagulo lang ba sa tahimik kong buhay?
O para magising ang puso kong nahihimlay?

Ngayo'y di lang isip ko ang magulo,
Di na sila mag kasundo ng puso ko.
Tanong ko lagi sa sarili ko,
Kelan kaya babalik ang tahimik kong mundo na iyong ginulo?.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon