Alam kong darating sa puntong susuko ka na,
Pero bakit naman ganito kaaga?
Sanay akong mag isa at sarili lang ang kasangga,
Pero nuon yun nung di pa kita kilala.Kay hirap isiping ikaw ay tumigil,
At mas pinili mo siya na dati ika'y tinakwil.
Kay hirap nga naman makipag kumpitensya sa taon ang pinagsamahan,
Kesa sa akin lang na bagohan.Na tanong ko ang aking sarili,
San ba talaga ako nag ka mali?.
Bakit kay bilis nang pangyayari?,
Ganun lang ba talaga kadali ang ako'y isantabi?Wala kang ma bigay na rason kung bakit humantong tayo sa ganito,
Kaya ngayo'y litong-lito at sumasakit ang ulo.
Binabalikan ang mga araw na mag kasama at baka sakaling may makitang rason kung bakit sumuko ka,
Ngunit wala akong ibang makita kundi ang ating masasayang memorya.