SAKIT, GALIT AT PUOT

43 0 0
                                    

Di ko ugaling galit ay itanim,
Jan naman ay wala akong aanihin.
Di lang ako maka limot,
Sariwa pa ang sugat di nga lang kumikirot.

Salita ay wag nang mag bitaw,
Di na kailangan at baka bibig ay pasukan nang langaw.
Bibig ay isarado,
Lumalabas na rason ay di na eksakto.

Di na kailangan ang paghingi nang tawad,
Tigilan ang pagiging huwad.
Wag na mag alala,
Di ako ang tipo ng tao na nag papatawad kahit puot ay nariyan pa.

Oras at panahon ang kailangan,
Upang sakit at puot ay di na maramdaman.
Tanong sa karamihan,
Hanggang kailan?

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon