...

168 1 0
                                    

Utak na magulo pusong nalilito,
Ngayon na lang ulit mag kakagusto dun pa sa taong di ko wari kung may nag mamay-ari na ng kanyang puso.
Nakakapagod mag isip,
Mga ngiti mo'y dala - dala sa panaginip.

Ang tulad mo'y malayo sa aking tipo,
Ngunit bakit pag nakikita ka'y nag wawala ang aking puso?
Hahayaan ko na lang bang tinitibok ka neto?
Oh hanggang tingin na lang ako sa malayo?

Di ko inasahang sayo ko mararamdaman 'to,
Kung bakit ba nman kasi lagi tayong pinag tatagpo?
Dadaan na nga lang ay sumusulyap ka pa,
Umiiwas nman agad pag nahuhuli kita.

Kilala lang kita ngunit hanggang doon lang,
Pangalan mo lang ang tangi kong alam.
Kelan kaya kita makaka usap?
Di yong dinadaan mo lang sa pasulyap - sulyap.

Sana'y dumating ang araw na lubusan kang makilala,
Kung sana'y pag bigyan ni tadhana.
Kung tunay mang pag aari kana ng iba,
Masaya pa rin akong makita kang masaya sa piling niya.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon