Ako yung babaeng walang arte sa katawan.
Ako yung babaeng kahit sa turo turo mo lang dalhin ay solb na solb na ang tyan.
Ako yung babaeng di nahihiya kahit pa ang lakas tumawa.
Ako yung babaeng hinahanap hanap ka sa twina.Ako nga. Ako ang babaeng pinangakuan mong mamahalin hanggang huli.
Ako ang babaeng nag antay at umasa sa iyong mga sinasabi.
Ako nga kasi ung tipo ng babaeng kahit maya mayain mo man mag aantay pa din sa tabi.Diba sabi mo dati ako lang ang babaeng mamahalin mo?
Bakit ngayon ako din yung babaeng di malaman kung kelan ba talaga ang balik mo.
Sabi nila. Mag move on kana ikaw lang yung babaeng kanyang pinaasa.
At ikaw lang din ang babaeng sa mga pangakong napako niya ay naniwala.Ako nga pala yung tipo ng babaeng iintindihin ka sa lahat lahat.
Ako yung tipo ng babaeng makasama ka lang para sakin yun ay sapat.
Ako nga pala yung babaeng dati ay sayo humarap at nag tapat.
At ngayon naman masasabi kong ako yung tipo nang babae na pag nagising sa kahibangan, kahit umiyak at lumuhod ka sa aking harapan sa sakit na mula sayo ay aking naramdaman, pasensya na pero di yan magiging sapat.
