Ang unang pag kikita ay parang wala lang,
Di ko nman talaga alam kung kelan nagka kilanlan.
Usapan ay iyong inumpisahan,
Hanggang sa tayo ay naging mag kaibigan.Masaya nman tayong magkasama,
Parang mga tao sa paligid ay di natin kilala.
Di nman ako manhid upang nararamdaman mo'y di makita,
Marupok lang din ako't sayo nahulog bigla.Di ko waring sa akin ito iyong nagawa,
Di ko lang talaga ma iwasang sakit ay magunita.
Kelan ba ito mawawala?,
Sana'y di na mag tagal at lungkot ay kumawala.Mahal parin kita aaminin ko,
Di nman kasi ito mawawala oramismo.
Sayo ko lang kasi naramdaman ang tunay na saya,
Yun bang iiwan ko lahat at sayo ay sasama.Nasulat ko na lahat ng nararamdaman ko,
Gusto kong ipabasa sayo ngunit natatakot ako.
Natatakot akong baliwalain mo lang at isantabi,
Gaya ng pagmamahal ko sayo nga hindi mo man lang sa iba masabi.