LARO

71 1 0
                                    

Matagal tagal na kitang kilala,
Ngunit ugali mo ay di ko inakala na ganun pala.
Akala ko iba ka,
Ganun ka rin pala gaya nila.

Mapaglaro ng damdamin,
Sakit na nangyari ay kailangan lang kimkimin.
Sarili'y hinayaang mahulog sa kumunoy,
Lumobog ako ng tuloy-tuloy.

Totoong di ko alam na para sayo ay laro lamang,
Sana sinabi ng di ako nag mukhang timang.
Tiwala ko sayo'y unti - unti nang nawawala,
Di mag tatagal mabubura kana sa aking alaala.

Mga pinapakita mo saki'y nag papasaya,
Yun nman pala ito'y maling akala.
Ang hirap talaga maging assumera,
Bandang huli nag mumukha kang tanga.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon