Tingin nang iba nangyari sa akin ay wala lang,
Di nila nakikitang ako din ay nasasaktan.
Ang apat na sulok ng kwarto lamang ang nakaka-alam,
Kung anu man ang tunay kong nararamdaman.Luha may di nila nakikita,
Mga ngiti sa labi lang ang pilit ipinipinta.
Puso'y kumikirot sa sakit pag ika'y inaalala,
Pag ipinikit na ang mga mata at masasayang alala ang nakikita.Sa ilang taon nating pag sasama mula't mula,
Di ko wari kung pagmamahal ko ba'y iyong nakita.
Di man ako gaya ng iba na sa iba'y pina pakita,
Sapat na sa akin na pagmamahal ko'y iyong maramdaman at binibigyang halaga.Ako ba talaga'y iyo ng nakalimutan?,
Bakit di ka man lang nararamdaman?.
Kinalimutan mo man o nakalimutan,
Pinapangako kong alin man sa dalawa ay di ko hahayaan.
