TANGING IKAW

40 0 0
                                    


Tanging ikaw yan ang sabi ko nung naging tayo,
Tanging ako lang yun din sa akin sinabi mo.
Ngunit hanggang salita ka lang pala,
Kasi ngayon ay bumitaw ka na.

Ako nga lang ba? O sinabi mo lang yun para ako'y ma pa ibig pa sa'yo lalo?
Yung pag ibig na sa'kin ipinaramdam ayy parang isang hunyangong mapag kunwari lang.

Mapagkunwari.
Sana man lang sinabi mo sa akin na laro laro at trip mo lang na ako'y pa ibigin.
Ang ibigin ka ng buo ay masaya sa simula.
Ngunit kalaunan ay masakit na at nakaka troma pa.

TANGING IKAW lang.
Ang salitang madami ng na biktima at umasa.
Umaasa na sana ay sila lang talaga.
Ngunit ang salitang sila pala ay kay hirap makamit at makuha.

Tanging ikaw.
Tanging ikaw lang talaga.
Sana pala ay hindi ako nagpaka tanga sa salitang namumutawi sa iyong mga labi.
Ngunit ang sana ay di ko na mabubura.
Dahil nasa huli ang pagsisisi.

Pagsisisi. Ako'y sobrang nagsisi,
Pag mamahal ko sayo'y totoo ngunit bakit di mo ito nakita sa huli.
Oo sa huli, sa huli ay ako rin lang ang nasaktan.
Sa pag ibig mong larolaro lang.

Tanging ikaw lang..
Salitang di ko na kailanman mapagkakatiwalaan.
Tanging ikaw lang..
Noon sa akin ay mahalaga,
At ngayon ay pipilitin kong sa buhay ko ikaw ay tuluyan ng mabubura.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon