"PAANO"

1.1K 0 0
                                    

Andami kong tanong sa sarili ko,
Lahat yun ay paano.
Paano kung ganito,
Paano nman kung ganun.

Paano kaya kung pinaglaban kita?
Paano kaya kung pinilit ko ang sarili kong maniwala sayo kahit alam kong sayo ako'y nag papakatanga.
Paano kung hanggang ngayon ikaw parin at ako?
Magiging masaya parin kaya ako sa piling mo?

Lahat na lang paano,
Paano nga ba ako matututo?
Paulit ulit na lang kasing pag dating sa pag ibig ay ang bobo bobo ko.
Buti pa ang mga bata,
Umiiyak lang pag nasaktan kasi nadapa.

Paano kung isang araw mabigyan ako ng pagkakataong baguhin ang nakaraan,
Babaguhin ko at ilalaan ko ang puso ko sa taong sa akin ay nakalaan.
Pighati at sakit man ang nararamdaman,
Magiging masaya rin ako sa itinakdang panahon na yan.

Ang tanong na paano ay para lang sa mga taong puno nang pagsisisi,
Di mo na talaga ma iaalis na lagi itong nasa huli.
Sana lang pag dating ng araw,
Ang paano na tanong mo ay di na ulit mangingibabaw.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon