Patuloy sa Pagmamahal

92 1 0
                                    

Sa simula masaya tayo,
Bakit ngayon nagkanda loko-loko?
Oras mo ba'y sadyang kumplikado?
Oh ikaw lang talaga itong nag bago?.

Dati naman oras ko lang sapat na,
Kahit di pa tayo nag kikita.
Bigla ka na lang nag iba,
May bago ka na ba?

Masakit isipin na sayo parin ako'y umaasa,
At ikaw pala'y sa iba nag papakasaya.
Dating mga mensahe mo'y laging binabalik balikan,
Yun na lang kasi ang mga salitang pinanghahawakan.

Sa ngayon mag pakasaya ka sa kanya,
Ako nman dito'y sa mga mensahe mo na lang mag kakasya.
Dumating sana ang araw na tangi kong hiling,
Buong pagmamahal mo sana sa akin na ma baling.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon