JOKER

66 0 0
                                    


Unang kitang na kita ay kasama ang iyong tropa,
Habang ako ay naglalakad sa isang plaza.
Ang ingay niyo kaya agaw atensyon kayo ng iyong mga kasama,
Nangunguna ka kasi sa pag papatawa.

Sa isang tabi ako'y nakikinig lang sa iyong tinig,
Habang ang iba ay tumigil at sila ngayo'y iyo ng taga pakinig.
Mga kababaihang sayo ay kinikilig,
Ngiti mo pa lang kasi ang puso'y bumibilis na ang pintig.

Malakas talaga makahatak pag may sense of humor ka,
Di man aminin ako'y isa sa'yong tagahanga na.
Mapapansin pa kaya kahit napakadami ng sayo'y nakapaligid?
Ang iba pa nga ay sayo sumusunod at umaaligid.

Hanggang sa malayo na lang ba talaga kita matatanaw?
Sana nman isang araw sa iyo'y maka pag pakilala lagi ka na lang kasi sa aking mga mata'y balintataw.
Pero kahit sa malayo lang kita tinatanaw,
Sa joker na tulad mo,
Marinig ko lang ang pagpapatawa mo,
Buong buo na ang araw ko.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon