PANGUNGULILA

31 1 0
                                    

Puso ko'y na wasak sa iyong pag ka wala,
Mundo ko'y tumigil ng ika'y di na makita.
Pagka tao ko ay kulang ng di ka maramdaman,
Mas gusto ko pang sa'yo ay sumunod ng sakit ay mawala na lamang.

Lakas ko'y ikaw ang pinag huhugutan,
Problemang dumarating pilit nilalabanan.
Sakit sa katawan ay baliwala,
Pag Kislap ng iyong mata ang nakikita.

Ngayong ikaw ay wala na,
Tanong sa sarili ay "kaya pa ba?".
Pilit ngumingiti sa mga araw na lumilipas,
Pag ako ay mag isa ito ay kumukupas.

Sa yakap mo ako ay nangungulila,
Kailan kaya kita ulit makikita.
Makikilala mo pa kaya ako?,
O kung tatanungin mo ba kaya ako ay sino??

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon