Ilang araw na akong walang gana,
Ni kumain ay pinag papaliban ko na.
Mga gawain sa bahay ay walang ginagawa ni isa,
Nawala na kasi ang nag iisang dahilan kung bat ako nagiging masigla.Kelan ba darating ang araw na ma alis ka sa sistema,
Pagod na kasi akong mag isip, umiyak at mag paka tanga.
Kelan ba darating ang araw na masaya lang at walang hiwalayan,
Di yong ganitong sakit at pighati ang yong iniwan.Nakalimutan ko nang maging masaya,
Nasanay kasi akong lagi ay kasama ka.
Pano ko nga ba ibabalik ang mga ngiting umaabot hanggang mata?,
Kung ngayon ang nag iisang rason ako'y iniwan na?.Sa ikli nang panahon nang ating pag sasama,
Kay dami mong iniwang masasayang alaala.
Nais ko mang balikan na ikaw ay kasama,
Hindi na pwedi kasi binalikan ka na nung una.